summaryrefslogtreecommitdiff
path: root/18536-8.txt
diff options
context:
space:
mode:
Diffstat (limited to '18536-8.txt')
-rw-r--r--18536-8.txt3051
1 files changed, 3051 insertions, 0 deletions
diff --git a/18536-8.txt b/18536-8.txt
new file mode 100644
index 0000000..a4e60b6
--- /dev/null
+++ b/18536-8.txt
@@ -0,0 +1,3051 @@
+The Project Gutenberg EBook of Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de
+Cortona, by Cleto R. Ignacio
+
+This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
+almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or
+re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
+with this eBook or online at www.gutenberg.org
+
+
+Title: Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona
+
+Author: Cleto R. Ignacio
+
+Release Date: June 8, 2006 [EBook #18536]
+
+Language: Tagalog
+
+Character set encoding: ISO-8859-1
+
+*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK CAHANGAHANGANG BUHAY NI ***
+
+
+
+
+Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online
+Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net.
+Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa
+pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.
+(http://www.gutenberg.ph)
+
+
+
+
+
+[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
+marked as ~g.]
+
+[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
+upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
+ay hindi na ginagamit.]
+
+
+
+CAHANGA-HANGANG BUHAY ni Santa Margarita de Cortona NA TAGA TOSCANA SA
+NAYONG DIOCESIS
+
+
+=Cahangahangang
+Buhay=
+
+Ni Santa Margarita de Cortona na taga Toscana sa nayon ng Diocesis at
+limang Virgenes, at apat na puong Soldados na pauang mga mártires at
+ibang nadamay.
+
+_Hinango sa Año Cristiano at sa Librong_
+
+_HISTORIA SAGRADA_
+
+Na tinula n~g isang mauilihin na si
+
+=Cleto R. Ignacio=
+
+_Concepcion, Malabon, Rizal._
+
+SIPI SA TUNAY NA LIBRO
+
+1916
+
+LIMBAGAN AT MGA AKLATAN
+ni
+_P. Sayo Balo ni Soriano_
+
+Rosario 225, Plaza del Conde 1008, Binundok at Azcárraga 552, Tundo
+
+Maynila. K. P.
+
+
+
+
+=SAMO SA BABASA=
+
+
+Icaw na may nasang mag-aliw sa buhay
+cung pinipilantic niyong calungcutan,
+munting abala mo,i, guguling igamlay
+sa handog cong cayang hamac na aliuan.
+
+Sa iyong pagbasa,i, cundi macalasap
+nang minimithi mong lasang sadyang sarap,
+pasubalian mong isundo ang hanap
+upang ding palaring pita mo,i, matuclas.
+
+Bagaman at mura cung sa biglang tin~gin
+hilaw at mapacla cung pag-uauariin,
+n~guni,t, cung totoong pacananamnamin
+ang tamis nang lasa,i, malalan~gap mo rin.
+
+Dito sa mapalad na cay Margarita
+na naguing hantun~gan samâ niyong una,
+n~guni,t, n~g lumaon siya nama,i, isa
+na naguing uliran sa gauang maganda.
+
+At ang limang Vírgen na man~ga Mártires
+at apat na puong soldadong nagtiis,
+n~g madlang pahirap at m~ga pasakit
+hangang sa ang tan~gang hinin~ga,i, napatid.
+
+Pagca,t, ang binyagan na cay Cristong lingcod
+ikinatutuang buhay ay matapos,
+huag ang maturang maualay sa Dios
+tayo doo,i, dapat na umalinsunod.
+
+Huag mo rin sana namang pagsauaan
+ang alay cong dahop na pinaglamayan,
+may bahagya ca ring mapapakinabang
+di lamang ibayong tubo sa puhunan.
+
+Cung may tulang di mo mahulo n~g lining
+guipit ó masucal cung sa lalacarin,
+ang iyang pagbasa,i, pagcasiyasatin
+ang tunay na landas ay matutuclas din.
+
+ * * * * *
+
+
+
+
+=Puno nang Salita=
+
+_Capitulo 1.°_
+
+
+ Taóng isang libo at dalauang daan
+saca limang pu pa yaong calabisan,
+si Margarita n~ga ay siyang pag-silang
+sa bayang Labiano, niyong catauhan.
+
+ Sa Nayong Diocesis sa Chiusi ang tauag
+sa Toscana yaong unang pagcatanyag,
+ang Amá at Iná,i, mabuting tumupad
+nang pagca-cristianong canilang tinangap.
+
+ At may puring tauo na magpapaupa
+yaong guinagauang hanap-buhay nila,
+silang nagtuturo sa cay Margarita
+niyong bagay bagay na gauang maganda.
+
+ Na ayon sa man~ga cabanalang paua
+at natututo pa lamang nang bahagya,
+yaong Anác nila nang pag-sasalita
+iminumulat na ay cagalin~gan n~ga.
+
+ Tanang malumanay na pananalan~gin
+niyong may calin~gang Ináng nag-aángkin,
+sa cay Margaritang puso ay natanim
+caylan may di na mangyaring limutin.
+
+ At dinadasal niya nang cataiman
+caacbay ang puspos na cadakilaan,
+hagang huling taón niyang paglalabay
+sa cahapishapis at hamac nabayan.
+
+N~guni at sa gayong casamaang palad
+ang may pitong taón bilang nang maganap,
+si Margarita ay naulilang cagyat
+sa mapag-palayaw na Ináng masicap.
+
+ Ang magandang gaua na naguing ca-acbay
+sa caniyang puso ay bigláng naualay,
+at ang pagcauili niyong pag-sasanay
+sa dating ugaling man~ga cabanalan.
+
+ Sa mauari niyong abang culang palad
+yaong pagmamahal nang Ináng lumipas,
+at ang casamaang hindi malalan~gap
+palagay nang aling di carapat-dapat.
+
+ Na naguing asauang cauli nang Amá
+lihis na pasunod nang di na mabata,
+laguing pinupucaw yaong ala-ala
+niyong pagmamahal nang naualang Iná.
+
+ Caya n~ga sa ibang bahay ay hinanap
+yaong pagmamahal na ibig malasap,
+cusang napadala sa maling hicayat
+nang catuaan, tubo ay dusang masaclap.
+
+ At hinarap niya yaong pamumuhay
+n~g isang lagalag at masamang asal,
+pagca palibhasa,i, nahihiyasan
+ang caniyang isip n~g catalinuhan.
+
+ Tan~gi sa caniyang cagandahang anyo
+ipinabihag ang caniyang puso,
+sa pagmamarikit n~g gumandang lalo
+at n~g cauilihan n~g magsisisuyo.
+
+ Nang m~ga lalaki na macamamalas
+¡ay sa abang abá! n~g saliuang-palad,
+na uari ay hindi napagtatalastas,
+ang bun~ga n~g labis na m~ga pag-gayac.
+
+ At ang ualang taglay bagang cahinhinan
+na nacasisira niyong calinisan,
+ang cay Tertulianong acala,i, sino man
+di mangyaring maguing malinis na turan.
+
+ Gaya n~g dalagang pinipilit manding
+siya,i, cauilihan n~g matang titin~gin
+hindi calulugdan ni Cristong malasin
+ang nasang calugdang dito,t, panoorin.
+
+ At sa Pan~ginoong nagcacadalaua
+ay di mangyayaring maglingcod sa isa,
+at si Cristo,i, ayaw nang hahatiin pa
+yaong paglilingcod natin sa caniya.
+
+ Sa bagay na ito,i, sinasabi naman
+ni San Cipriano ang ganitong saysay,
+¿nakikilala mo cayang cararatnan
+n~g iyong dakila na capan~gahasan?
+
+ Diyan sa pag-gayac na napacalabis
+at iyang gaua mo na pagmamarikit,
+nagcacasala ca sa Dios sa Lan~git
+na sa iyo,i, siyang lumalang na tikis.
+
+ Hindi mauauala ang caparusahan
+sa iyo pagdating nang tadhanang araw,
+huag mong sabihin sa akin ang icaw
+ay mahinhi,t, di mo han~gad ang calugdan.
+
+ Sucat na ang icaw ay ang macalimot
+sa man~ga gagauin na ucol sa Dios,
+at ang pagcauili sa iyong pag-handog
+sa bagay na ualang casaysayang lugod.
+
+ Dapat catacutan yaong cahatulan
+sa man~ga babayeng tantong nag-cuculang,
+nang sa pananamit nila,i, cahinhinan
+at ualang matuid na mag-sasangalang.
+
+ Cahi,t, uicain mo na ang calulua,i,
+di sa damit lamang napagkikilala,
+yaong calinisan, at si Margarita
+ito rin marahil ang sinabi niya.
+
+ Ang capan~gahasang yaon ang nagbulid
+sa capahamacang di sucat maisip
+hindi macasapat sa pagmamarikit
+yaong ari nilang caunting nalabis.
+
+ Di naman payagan n~g Amáng ubusin
+sa pagmamapuri,t, ualang uastong aliw,
+na masunod yaong camaliang hiling
+ay sa cahalaya,i, napadalang tambing.
+
+Cahit sinisisi n~g caniyang Ama,t,
+binibigyan niyong hatol na maganda.
+nang caniyang ali,t, gahasa man bagá
+manacanaca ring inaralan siya.
+
+ Anopa,t, yaong caniyang cabataan
+ay naguing isa nang masamang hantun~gan,
+nang lahat nang canyang man~ga cababayan
+naguing parang isang sucal nang lansan~gan.
+
+ Ito na ang mula nang pagcaligalig
+niyong pag-nanasa sa napacalabis,
+na sa catauan niya,i, pag-mamarikit
+ang turo nang Ina,i, nalimot na tikis.
+
+ Si Eva ang tunay na cahalimbaua
+na sa paglilibang na ualang bahala,
+sa umang na silo,i, natuntong na cusa
+nang lilong Demonio,t, lubos na nadaya.
+
+ Ang man~ga dalaga,i, siyang caraniuan
+sa pag-mamarikit na nasang calugdan,
+nang capua tauo,i, ang cahihihatnan
+dinadala tuloy sa capahamacan.
+
+ Siyang pag-cahuli sa parayang pain
+nang cay Margaritang cabata-ang angkin,
+lugsong cabaita,i, hindi macapiguil
+bagcus nag-hihigpit nang calaguim-laguim.
+
+ Binidbid ang gayong caparan~galanan
+nang lalaking tacsil na caugalian,
+nahulog sa ban~gin niyong cahalayan
+ang pag-mamarikit itong pakinabang.
+
+ Sa isang binata bagang Caballero
+malapit sa Ciudad nang Montepulciano,
+nabihag nang gandang paraya nang Mundo
+sa pitang mahalay ay cusang nabuyó.
+
+ Itinalaga na yaong calooban
+sa marumi,t, tacsil nilang pamumuhay,
+hindi na naisip ang sila,i, pacasal
+cundi ang lumaguing nagsama na lamang.
+
+ ¡Oh saliuang-palad, na dalagang labis
+na napabibihag sa pag-mamarikit,
+icaw n~ga ang salot na ibinubulid
+yaong calulua sa icalalait!
+
+ Sa lahat nang bayan at man~ga Ciudad
+icaw n~ga ang lasong masidhing camandag,
+sa lubhang malabis na man~ga pag-gayac
+ay hindi mabilang ang nan~gapahamac.
+
+ Cusang uinaualang bahala na cahit
+talastas mang sala ang pag-mamarikit,
+ang capalaloa,i, pan~gahas at hilig
+sa pag-mamasagua niyong pananamit.
+
+ Sa cay Margarita,i, siyang nag-lupaypay
+ang labis na lubhang caparan~galanan,
+sa nasang tanghaling siya at calugdan
+ang puring napala,i, caalipustaan.
+
+ Yaong cagandahang ibig na tauaguing
+Venus at Floripes Diana,t, Abigael,
+ang muc-hang masaya,t, tindig na butihin
+mamumutla,t, lungcot ang pagmamalasin.
+
+ Ang mapanghalina na matáng mapun~gay
+at linindi-linding aliw nang lansan~gan,
+di mag-abot kisap ay mahuhumaymay,
+ang dating maningning lalabo sa tanan.
+
+ Mauaualang lahat ang lugod sa iyo
+nang tanang casuyo,t, nang cababayan mo,
+ang di magcamayaw na puri nang tauo
+lilipad na para lamang alipato.
+
+ Saca ang ulo mong pinamumutihan
+nang perlas, topasio,t, diamanteng makinang,
+na inaayos mong pinagpapagura,i,
+bun~gong butas-butas ang cahahanganan.
+
+ Capatid co,i, ano,t, natitiuasay ca
+parang di mo tanto ang bububóng dusa,
+ang uica mo yata,i, bucas macalaua
+madaling magsisi cung naroroon na.
+
+ Nagcacamali ca at di natin lining
+ang icatatapos nang hinin~gang angkin,
+mabuti cung hinay-hinay ang pagdating
+nang camatayan mo, at hindi biglain.
+
+Ang cay Margaritang naguing pamumuhay
+hapo na sa gapos niyong cahalayan,
+at di napupuna sa caniyang paanán
+ang ban~ging malalim na cabubuliran.
+
+ Linalagyan din n~ga cung minsan n~g Dios
+nang pait, ang man~ga mahalay na lugod,
+pinaparam yaong pacumbabang handog
+na capayapaang paconuaring dulot.
+
+ Manaca-naca ring pinag-cacaramdam
+ang nan~galalayong man~ga pamumuhay,
+sa Dios, at sila,i, tinutugtog bilang
+ang puso,t, ang maling gaua nila,i, lisan.
+
+ Ipinauauari ang pagca-pahamac
+nang nabubulagang na saliuang-palad,
+n~guni,t, sa udyoc nang caibigang linsad
+nag-uaualang kibo,t, uari di talastas.
+
+ Ang sa puso niya ay itinutugtog
+nang di naglilicat na aua n~g Dios,
+parang nan~gun~gusap na madalas halos
+cung minsa,i, ualin ding bahala sa loob.
+
+
+
+
+_Capitulo 2.°_
+
+
+ Gayon n~gang nangyari minsang isang araw
+tinan~gisan niya yaong caugalian,
+na isang babayeng Anác ang cabágay
+na mapag-acsaya niyong cayamanan.
+
+ Tinicang magban~gon sa pagca-gupiling
+at lisan ang nin~gas na calaguim-laguim,
+nang Infiernong apoy na nasa ilalim
+nang paá niya,t, siya,i, laang sunuguin,
+
+ ¿Ano ang nangyari sa cay Margarita
+napucaw sa himbing nang pagtulog niya,
+binigyan nang Dios nang cataca-taca
+na balitang siyang nagpaala-ala?
+
+ N~guni,t, para manding isang maliuanag
+na aral, na ualang casaysayang lahat,
+ang layaw sa Mundong icapapahamac
+malumanay namang siya,i, nakimatiyag.
+
+ Ipinauari nang masintahing Amá
+minsang isang araw sa cay Margarita,
+nang umalis yaong casintahan niya,t,
+sa bahay ay siya,i, naiuang mag-isa.
+
+ Ualang ano-ano,i, ang ásong maliit
+na babayeng caniyang alila,i, nadin~gig
+na tumatahol nang tila nananan~gis
+n~g cahambal-hambal na di mapag-isip.
+
+ N~guni,t, hindi naman naguguniguni
+n~g saliuang-palad na may nangyayari,
+na casacunaan sa caniyang casing
+bunying Caballerong buhay ay naputi.
+
+ Pinauaualan n~ga manding cabuluhan
+ang sigaw n~g áso na calumbaylumbay,
+hangang nacaraan ang dalauang aráw
+áso,i, patuloy rin ang pananambitan.
+
+ Saca ang damit ay kinacagat niya
+niyong pan~ginoon na si Margarita,
+tila nag-uiuica uari nang halica,t,
+ang pan~ginoong cong casi mo,i, patáy na.
+
+ Dito pinasucan nang paghihinala
+ang cay Margaritang loob na mahina,
+nag-ulol ang sindac na hindi cauasa
+sa taghoy nang ásong hindi nagsasaua.
+
+ Lumacad nang doon sa áso,i, sumunod
+sa daang itinuturo,i, naglalagos,
+bahagya pa lamang dumarating halos
+sa may calalimang ban~gin ay nataos.
+
+ Na may ilang tuyo na san~ga n~g cahoy
+ang áso ay nagpatihulog na doon,
+at pinasimulang hinucay nang tuloy
+na calumbaylumbay, yaong paghagulhol.
+
+ Hinaui n~g nan~gan~ginig na camay
+ni Margarita ang ilang man~ga sucal
+na bilang na nacatatakip sa hucay
+nakita ang bangcay niyong casintahan.
+
+ Na buloc na,t, hindi sucat na matiis
+yaong sumisin~gaw na bahong malabis,
+nang cay Margaritang abutin nang titig
+sumicdo-sicdo na ang caniyang dibdib.
+
+ Uinauari niya ang kinahinatnan
+n~g gayong cakilakilabot na bagay,
+na sinalubong n~g caniyang caauay
+tinadtad n~g sugat hangang sa napatay.
+
+ Nang si Margarita,i, pagsaulang loob
+sa kinahinatnan n~g palad na capos,
+na ang buhay niya ay dagling natapos
+sa pagpapasasa n~g sa Mundong dulot.
+
+ Anopa,t, yaong mabahong bangcay niya
+caramihang uod yaong nakikita,
+ang catauang hilig n~g nabubuhay pa
+sa layaw sa lupa,i, itong naging hanga.
+
+ Ni camunting dun~gis di ibig bahiran
+ang catauan niya niyong nabubuhay,
+ang caniyang labis na pagcapihican
+n~gayon nama,i, siyang pinangdidirihan.
+
+ Yaong sa puso niya,i, siyang bumabaca
+at pagpipighating naalaala,
+sa kinabuhusan n~g pag-ibig niya
+at ang catumbayan niyong calulua.
+
+ ¡Sa abang-aba co! ¿caya,i, napasaan
+ang calulua nang sauing capalaran,
+saan cundi doon sa Infiernong bayan
+ang sagot n~g voces na umalin~gawn~gaw?
+
+ Magpahangang sa caibutura,i, taos
+nang pusò, at tantong ipinan~gilabot,
+malamig na pauis ay agád sumipot
+at sinidlan niyong di cauasang tacot.
+
+ Sa cay Margaritang dinidilidili
+ang gayong calunos-lunos na nangyari,
+sa lugod at layaw ay lubhang nauili
+n~gayo,i, lubos naman ang pagcaruahagui,
+
+ Ualang hangang hirap doon sa Infierno
+ang ganti sa munting ligaya sa Mundo,
+sa sandaling tua,i, nacapalit nito
+hirap casakitang hindi mamagcano.
+
+
+
+
+_Capitulo 3.°_
+
+
+ Cakilakilabot ang cay Margarita
+na pakikihamoc sa sarili niya,
+bago nasundua,i, nahirapan muna
+sa nasang maganda niyang pagtitica.
+
+ ¡Oh cahambalhambal na casasapitan
+nang sinomang nan~gag papaliban-liban,
+niyong pagbabalic loob at ang araw
+na icatatapos niya,i, hindi alam!
+
+ Ang dalisay niyang pag-aala-ala,i,
+capakinaban~gan niyong calulua,
+kinikilabutan sa sarili niya
+ang caaua-aua na si Margarita.
+
+ Nagugunam-gunam na nasa sapiling
+ang cabubuliran na calaguimlaguim,
+at may pan~ganib pang doo,i, mahulog din
+cun ang hinin~ga niya,i, biglang makitil.
+
+ Caya n~ga,t, ang luha niyang pumupulas
+ay naguing turing nang parang isang dagat,
+niyong pagninilay sa pagcapahamac
+niyong pagcadaya nang Demoniong sucab.
+
+ Sa lupa ay tambing siyang nanic-luhod
+nagsisi,t, humin~gi nang aua sa Dios,
+pinaglampasan nang mahayap na tunod
+niyong pagsisising sa puso ay taos.
+
+ Ualang iniisip cundi ang tan~gisan
+lahat nang caniyang man~ga casalanan,
+pag-pepenitenciang caunaunahan
+ang cusang lumayo sa capan~ganiban.
+
+ Caya n~ga,t, sa loob niya ay tinicang
+sa Montepolciano,i, umalis pagdaca,
+siya,i, naparoon at nagpatirapa
+sa paá nang Amáng tinalicdan niya.
+
+ Yaong catacsila,i, inahin~ging tauad
+at nag-pipighating hindi hamac-hamac,
+capagdaca nama,i, agád nang tinangap
+niyong Amá, yaong alibughang Anác.
+
+ Na tumatan~gis na,t, siya,i, nagsisisi
+n~guni,t, ang matigas na loob na ali,
+ay hindi pumayag at cusang tumangui
+at inari niyang casiraang puri.
+
+ Ang gayong paghibic at man~ga pagtaghoy
+ni Margarita n~ga na ualang mag-ampon,
+dakilang ligalig ang nangyaring yaon
+sa buhay na naguing parang isang tapon.
+
+ Dalauang puo,t, apat ang caniyang gulang
+batá pa at ayos na nahihiyasan,
+nang sinag na taglay niyang cagandahan
+ang sa muc-ha niya ay napagmamasdan.
+
+ Yaong pamumuhay niyang namamalas
+na masama,t, parang daan ang catulad,
+na nasasabugan nang man~ga bulaclac
+nang caligayahang labis humicayat.
+
+ Siyang tumutucsong muling manumbalic
+sa dating casama,t, cagagauang lihis,
+iniuurali na sa huling guhit
+ay càauaan nang Dios sa lan~git.
+
+ N~guni,t, yao,i, hibong isang camalian
+pan~gaco nang Dios sa cahit sino man,
+na nan~gagsisisi,t, nagtiticang tunay,
+ay iguinagauad ang capatauaran.
+
+ Sa pagtauag niya,i, ang nag-ualang kibò
+paanong cacamtan ang ipinan~gaco,
+pag naglibanliban icaw ay di taho
+ang camatayan mo,i, cahirapang lalo.
+
+ Caya n~ga sa gayong pagbubucas bucas
+ay lubhang marami ang nan~gapahamac,
+na ang ualang hangang dusa ay linan~gap
+n~g man~ga pabayang nagpapacatamad.
+
+ N~guni at ang abá na si Margarita
+sa udyoc n~g tucso,i, nakikilaban na,
+camahalmahalang Pastor ay muli pa
+na tumauag pagca,t, hinihintay siya.
+
+ Laging nacadipa ang camay sa ati,t,
+yayacapin tayo cung siya,i, duluguin,
+ang capayapaa,i, ating tatamuhin
+at lubos na tayo ay patatauarin.
+
+ Panibago namang tinauagan siya
+n~g masintang tunay na pag-aanyaya,
+inalalayan siya nang pakikibaca
+sa dahas n~g tucsong mangahis ang tica.
+
+ Ang pangagalin~ga,i, yaon n~ga marahil
+niyong pagbabagong buhay na magaling,
+ani Jesus iyang tacot mo,i, pauiin
+Margarita,t, kita ay cacalin~gain.
+
+ Ang magandang tica,i, cusang pinagtibay
+at tinatan~gisan sa gabi at araw,
+ang lahat n~g m~ga naguing casalanan
+at ang halimbauang man~ga casamaan.
+
+ Hinahan~gad niya na moling mabaui
+ang lubhang malabis na pagcacamali,
+n~g cahalayhalay na pamamalagi
+sa layaw n~g Mundo n~g pagcalugami.
+
+ Agád nang naglacbay doon sa Simbahan
+siya sa Labiano, na nasosootan,
+nang damit Celicio at natatalian
+ang liig at tandang pagtiticang tunay.
+
+ Saca ang dalisay na paghin~ging tauad
+sa caniyang man~ga cababaya,i, hayag,
+at pinagsisihan sa harap n~g lahat
+na naguing dahilan n~g pagcapahamac.
+
+ Hindi rin naglubag sa bagay na yaon
+ang loob nang ali,t, Amá pa,i, caáyon,
+pinabayaan na ang lulun~goylun~goy
+na Anác na ualang sucat na mag-ampon.
+
+ Nang makita yaong calagayan niya
+nang caauaaua na si Margarita,
+na tulad sa tapong uala nang halaga
+caya n~ga,t, lumipat sa bayang Cortona.
+
+ Doo,i, mahinahong siya ay tinangap
+n~g ilang Señorang marunong mahabag,
+casama ang isa niyang naguing Anác
+sa naguing casuyong kinapos n~g palad.
+
+ Ang unang guinaua na pinagpilitan
+nang taos sa puso at cataimtiman,
+ang dalisay na "confeción general"
+sa lahat nang man~ga naguing casalanan.
+
+ Siyang matibay na pasimula ito
+niyong pagbabagong buhay na totoo,
+siya,i, naparoon doon sa Convento
+nang cagalang-galang na si S. Francisco.
+
+ Na namamalisbis ang luha sa matá
+niyong malalim na pag-sisi niya,
+isinaysay sampu nang pighating dala
+sa isa n~gang Pareng Relegioso bagá.
+
+ At ikinumpisal niya nang malacas
+tanang casalanang gauang hindi dapat,
+at hinin~gi niyang boong pagsisicap
+ang "Orden Tercera" siya,i, macatangap.
+
+ Nang sa penitenteng damit Serafico
+tandang pagtalicod sa layaw sa Mundo,
+ang Confesor nama,i, napaayon dito,t,
+pinanghinapang pang bagcus na totoo.
+
+ Pinasimulan nang pag-pepenitencia
+sa nasang macamta,i, binigyang pag-asa,
+yaong hinihin~ging simula n~g gracia
+at sa cabanala,i, nagsanay na siya.
+
+ Linalayuan nang parang camatayan
+sa loob, ang lahat nang macapupucaw,
+ang kilos at anyo,i, hilig na mahalay
+niyong maruruming pita nang catauan.
+
+ Capahintulutan bilang n~g Señorang
+pinaglilingcurang caniyang asaua,
+mangyaring huag pahigpitin niya
+ang pagpapasakit sa catauang bagá.
+
+ Gayon man ay dahil sa laking pag-ibig
+na ang catauan niya,i, bigyan pasakit
+inaring di dapat ang nasoc sa isip
+tuntun~gan ang lupang alalay na gamit.
+
+ Sa idinadaos na pananalan~gin
+sa lahat nang oras na macayang gauin,
+at ang pagsasanay sa icagagaling
+nang caisa-isang caluluang angkin.
+
+ Pinatauad na n~ga at cusang linimot
+n~g Amang lumic-hang mahabaguiug Dios,
+ang cay Margaritang casalanang lubos
+at bagcus guinanti n~g magandang loob.
+
+ Madalas din namang siya,i, dinadalaw
+at tan~gi siyang pinagcacalooban,
+n~g sa lan~git bagang m~ga caaliuan
+at ang caniyang loob ay pinatatapang.
+
+ Na ipatuloy niya ang tun~go n~g lacad
+na pinasimulan sa tuntuning landas,
+niyong cabanalan na icatutuclas
+n~g caligayahang ualang pagcucupas.
+
+
+
+
+_Capitulo 4.°_
+
+
+ M~ga Franciscano ay niyong masuboc
+ang cay Margaritang catibayang loob,
+na penitente n~gang bagong naglilingcod
+sa mapagcandiling mahabaguing Dios.
+
+ Sa matining niyang halimbauang bigay
+doon sa adhicang man~ga cabanalan,
+na sa boong Mundo ay pinasisilang
+caya,t, nag-habitong ualang caliuagan.
+
+ Nang Ordeng Tercera na cay S. Francisco
+na ualang pan~gamba sa bagay na ito,
+patuloy ang loob na di nagbabago
+sa m~ga pahirap niyang tinutun~go.
+
+ Ang lapastan~ganin ay di inacala
+nang caniyang asal na buhat sa sama,
+cung hindi lalo nang nag-ibayo pa n~ga
+sa bagsic n~g gracia na nagbigay bisa.
+
+ Inululan yaong pagpapacahirap
+capacumbabaa,i, lubos na niyacap,
+uinauari niyang di carapatdapat
+tingnan ang caniyang calagayang hamac.
+
+ Capagbinabati siya nang sinoman
+at may anyong siya,i, tila minamahal,
+pag-ibig sa Mundo ay hinahalinhan
+nang ucol sa Dios na pagsintang tunay.
+
+ Kinasusuclaman ang idinudulot
+nang tungcol sa lupang nagbibigay lugod,
+na sa catauhan niya,i, naghahandog,
+ni munting ginhaua ay di iniimbot.
+
+ Pinapagninin~gas ang tunay na nais,
+matupoc sa apoy nang laking pag-ibig,
+sa pananalan~gin at pagsusumakit
+sa icararapat na Hari nang lan~git.
+
+ Nang nananalan~gin siyang isang araw
+na taglay ang lubos na cataimtiman,
+sa harap nang isang mahal na larauan
+ni Cristong sa Cruz ay napabayubay.
+
+ Doon ay nag-tamó nang tuang malabis
+at magandang palad dahil sa narin~gig,
+sa labing camahal-mahala,i, sinambit
+yaong pan~gun~gusap na lubhang matamis.
+
+ Sabihin sa akin ¡ó cahabag-habag
+na babaye,t,! ¿anong sanhi nang pag-iyac,
+¿ano ang ibig mo baga aking Anác?
+si Margarita ay tumugong banayad.
+
+ Icaw lamang aking Pan~ginoong mahal
+icaw ang tunay co na caligayahan,
+cung na sa aking ca ay di magcuculang
+aco, nang cahima,t, anong man~ga bagay.
+
+ Ang sa Santang nasang manin~gas na loob
+na mag-bigay aliw sa Poong cay Jesús,
+ay siyang pagcaing ikinabubusog
+na sa araw araw ay macamtang lubos.
+
+ Saca noon namang maunaua niya
+na sa paglilingcod sa man~ga Señora,
+sa bahay na yaon ay di makikita
+ang catahimican nais na talaga.
+
+ At gayon ding hindi masunod ang nais
+na mag-penitenciang adhica nang dibdib,
+ay siya,i, humanap niyong munting silid
+na matatahanan nilang matahimic.
+
+Casama ang bunso niyang minamahal
+at ang guinagaua niyang hanap-buhay,
+ay ang pananahi sa cubong tahanan
+at pag-panaog na,i, tun~go sa Simbahan.
+
+ Sa capua tauo,i, pagca-auang gaua
+ó ang paghanap nang matatahi caya,
+laguing gumiguising siyang maaga n~ga,t,
+nagsisimbang uala camunti mang saua.
+
+ Nakikinig niyong Misa,t, nagninilay
+na taglay ang lubos na cataimtiman,
+cung matanghali nang puso,i, masiyahan
+sa pag-dedevocio,i, ooui nang bahay.
+
+ Patuloy rin naman ang pag-dedevociong
+casama sa gauang pananahing yaon,
+ang caabalahan lamang niyang tungcol
+ay ang pananahi na pangpauing gutom.
+
+ Tumabas magtagpi,t, caraniua,i, itong
+ipinagagaua nang sinomang tauo,
+ang iniuupa nang cahima,t, sino
+bilang limos nila lamang cung gaáno.
+
+ Naguiguing panakip ang naibibigay
+sa balang caniyang man~ga cailan~gan,
+ang man~ga duc-ha pa ay natutulun~gan
+nang caunti niyang paghahanap buhay.
+
+ Ikinatutua na niya nang malabis
+ang pagcain niyang tinapay at tubig,
+at nang ilang pasas at di gumagamit
+nang nin~gas nang apóy sa cubong maliit.
+
+ Liban na n~ga lamang na cung naghahanda
+sa panauhin niyang man~ga salanta,
+itinuturing na totoong dakila
+ang bagay na man~ga caaua-ang gaua.
+
+ Capag-uala siyang pagcaing ibigay
+ó damit, sa duc-hang nagcacailan~gan,
+ay cahit anomang man~ga casangcapan
+sa caniyang cubo ay hinahatian.
+
+ Maguing pinga,t, cahit yaong vaso caya.
+ó man~ga cuchara at maguing damit n~ga,
+at isang panahong calamiga,i, sadya
+hinubo ang saya sa catauang cusa.
+
+ At doon sa duc-ha,i, cusang ibinigay
+nang ang cahubaran lamang ay matacpan,
+na halos uala na siyang damit naman
+at maralita ring naghahanap-buhay.
+
+ Kinikilala n~gang yaong man~ga duc-ha
+ay tungcol cay Jesús yaong pagpapala,
+ang pag-ganting ualang macahalimbaua
+ay tulad sa isang dakilang biyaya.
+
+ Duc-ha man siya,i, di ibig pagsabihan
+n~g uica ni Jesús na ganitong saysay,
+aco,i, nagugutom ay di mo binigyan
+n~g pagcai,t, hubad aco,i, di dinamtan.
+
+ Binabayaran n~g Dios n~g sagana
+ang iniaálay sa camay n~g duc-ha,
+ang cay Margaritang handog at calin~ga
+pinatiticman na dito pa sa lupa.
+
+ Yaong na sa lan~git na caligayahan
+na tantong malaking capakinaban~gan
+niyong calulua,t, naguiguing dahilan
+n~g pagpapaualang halaga sa buhay.
+
+ Magmula n~g siya ay magbalic loob
+sa catauan niya,i, malabis ang poot,
+pagca,t, siyang naguing caáuay na lubos
+sa casalanan n~gang di sucat masayod.
+
+ Saca ang masamang man~ga halimbawa
+caya hindi pa rin ikinatutua,
+yaong cahirapan na dinadalitang
+pag-pepenitencia,t, pagaayuro n~ga.
+
+ Ipinasiya pang yaong cagandaha,i,
+cusang papan~giti,t, ang muc-ha,i, sugatan,
+n~g catacot-tacot n~guni,t, hinadlan~gan
+n~g Confesor niya na umaálalay.
+
+
+
+
+_Capitulo 5.°_
+
+
+ Sa pananaghili n~g Demoniong tacsil
+na di ibig niyang ang tauo,i, gumaling,
+inuman~gan din n~ga n~g parayang pain
+tun~gong cabanala,i, upan ding itigil.
+
+ Ang coronang tan~ging ualang pagcalanta
+na gaua n~g aba na si Margarita,
+Santang manahani na itinatalaga
+sa sarili, yaong cagalin~gan niya.
+
+ Inupatan na n~ga n~g lilong caáuay
+niyong catha-catha na cabulaanan,
+Margarita, anya ay iyong tigilan
+iyang malabis mong m~ga cabanalan.
+
+ At ang sa tahana,i, lagui mong pagligpit
+tunay na di ayon sa taglay mong bait
+at ang malabis mo na pagpapasakit
+sa iyong cataua,i, tantong nalilinis.
+
+ Gayong gaua,i, isang laking calupitan
+para cang tikis nang nagpapacamatáy,
+di ucol higpitan at ang cailan~gan
+bigyan mo nang luag at capanahunan.
+
+ Upang magcaroon nang camunting lacas
+nang may ipag-tangol sa araw na dapat,
+na cailan~ganing mamaya ó bucas
+ay di mahahapo na caagád-agád.
+
+ Lubhang masisira ang cabaitan mo
+cung magpacahirap nang di mamagcano,
+ang dapat mong gauin sa panahong ito
+cataua,i, in~gata,t, lumauig sa Mundo.
+
+ Yamang lubos namang pinatauad ca na
+nang Dios, sa lahat nang gaua mong sala,
+ay ano ang iyong alalahanin pang
+cataua,i, higpitan at mag-penitencia.
+
+ Sa umang na silo,i, di lubhang naghirap
+na ipinapain niyong si Satanas,
+at napagkilala na caagád-agád
+ang gayong pagdaya at man~ga pag-upat.
+
+ Napakikita pang conua ay Angel
+nang caliuanagan, ang siyang cahambing,
+ay si Margarita,i, naghiganting tambing
+sa capan~gahasan niyong si Lusifer.
+
+ Pinapag-ibayo nang higuit sa una
+yaong dating gauang pag-pepenitencia,
+capacumbaba,i, pinapag-ulol pa
+ayon sa hatol nang Evangelio bagá.
+
+ Isang araw siya,i, lalong sinigasig
+nang tucsong marahas na sacdal nang lupit,
+caya n~ga cay Jesús naghihinanakit
+niyong hinanakit na caibig-ibig.
+
+ Sa lubhang masintang Amáng mananacop
+na sa nacadipang larauan sa Cruz,
+n~guni,t, minarapat aliuin ang loob
+nang mapagcalin~gang mahabaguing Dios.
+
+ Na ang uinica sa caniya,i, ganito
+na magpacatapang icaw ó Anác co,
+cahima,t, marahas ang cabacang tucso
+ay di mangyayaring manaig sa iyo.
+
+ At aco,i, narito na iyon casama
+sa lubhang mahigpit na pakikisama,
+at magmasunurin sa payong maganda
+sa umaácay sa iyong calulua.
+
+ Huag matacot ca,t, ilagay sa akin
+ang gracia ay iyong catibayang kimkim,
+huag sa sarili ay umasang tambing
+ang nasang tagumpay nang upang tamuhin.
+
+ Sa cay Margaritang biyayang kinamtan
+bilis nang pagtacbo niyong cabanalan,
+sa landas lalo na,t, ang tucsong caauay
+ay inuusig siya,i, bagcus tumatapang.
+
+ Cusang lumalalim yaong man~ga ugat
+nang capacumbabaan n~gang hindi hamac,
+lalong nahihilig at minamasarap
+ang pula at caalipustaang lahat.
+
+ Sa hindi pagkibo niya,i, nagcatacá
+sa lahat nang namamayan sa Cortona,
+ibig niya,i, itapo,t, pagbatuhan siya
+na ang ualang casing-sama ang capara.
+
+ Na catulad niyong sa Infierno galing
+dan~gan ang Confesor ang nacapipiguil,
+siyang humahadlang na di dapat gauin
+ang nasa niyang yaong ibig na asalin.
+
+ Cundi pinupuing ang gayong adhica
+na isang totoong pagpapacababa,
+sa man~ga lansan~gan siya ay gagalang
+may tali sa liig, at ilalathala.
+
+ Ang nan~gacaraan niyang pagcasinsay
+at ang nan~ga gaua niyang casalanan,
+upang matalastas nang lahat sa bayan
+ang malabis niyang man~ga catacsilan.
+
+ Di cung magcagayo,i, huhulihin siya
+cuculan~gin siya,t, doon isasama,
+sa man~ga babayeng masamang talaga
+na linalapatan nang man~ga parusa.
+
+ Ang dakilang yaong capacumbabaan
+ni Margarita, ay kinuhang uliran,
+ang caniyang laguing pag-gugunamgunam
+nang cay Jesucristong man~ga cahirapan.
+
+ Sanhi n~ga sa ating na icagagaling
+ay inalipusta,t, dinuahaguing tambing,
+niyong man~ga Judio, n~guni,t, di pinansin
+binatá at upang tayo ay sacupin.
+
+ Lalong sa loob niya ay nacabubuhay
+yaong sa sariling pagninilay-nilay,
+sa Vírgeng Ináng man~ga casakitan
+sa nagdusang Anác na mapagpalayaw.
+
+ Na sinasacdalan nang boong pag-asa
+sa anomang man~ga cailan~gan bagá,
+isang araw nama,i, dinilidili niya
+tanang cahirapang di suca,t, mabatá.
+
+ At dahil sa atin ay laking pag-ibig
+ni Jesús, ang madlang dusa ay tiniis,
+moli pang kinamtan ang tuang malabis
+sa pagdalaw niyong Amáng na sa lan~git.
+
+ Noon hinatulang siya ay lumaan
+sa cacabacahing man~ga cahirapan,
+at lubhang marahas na caralitaan
+ang daranasin mo hangang nabubuhay.
+
+ Tulad sa pagtunaw n~g guintong malinis
+na dinadalisay ang uring malabis,
+hangang may camunting dumi inaalis
+nang upang tumaas ang mithing kilatis.
+
+ Dadalisayin n~ga n~gayon ang puso mo
+nang pakikilaban sa dahas nang tucso,
+catacuta,t, sákit ay laan sa iyo
+gutom cauhaua,t, pagluhang totoo.
+
+ Cahubara,t, pag-iisa,t, pagpapasan
+nang Cruz, ang iyong mapagdaranasan,
+upang macapasoc sa calualhatian
+ani Margarita, aco,i, nalalaan.
+
+ Naririto aco ó Pan~ginoong co
+titiisi,t, alang-álang po sa iyo,
+tunay cong pag-ibig ay cahit ang Mundo,i,
+igauad sa aking hirap mang gaano.
+
+ ¡Dios co! ay sino ang tatangui caya
+sa aking babathing man~ga paralita,
+na di pa anino nang hirap mong madla
+at dahil sa akin ay inalipusta.
+
+ Sa ganong pagdidilidiling mataman
+nang ganitong hirap ay nanghihinapang,
+at mapayapa niyang pinagtitiisan
+ang pagcasiphayo,t, caalipustaan.
+
+ At si Margarita minsan ay pinuspos
+nang isang babaye nang mura,t, pag-ayop,
+na nacapagbigay nang masamang ayos
+na halimbaua sa matáng nanonood.
+
+ Sa bagay na siya ay dapat lumaban
+ikinatua nang caalimurahan,
+at binigyan pa niya nang catuiran
+ang guinauang yaong catampalasanan.
+
+ Gayon ma,i, ang ganti niyang iguinauad
+sa sumirang puri na lubhang pan~gahas,
+ay pinadalhan pa nang lalong marapat
+na alay na doon sa cubo nagbuhat.
+
+ Capag nagdaramdam ang sarili niya
+niyong sa babayeng guinauang pagmura,
+na di catuiran ay caracaraca,i,
+nagpipiguil itong mananahing Santa.
+
+ Minsan man ay hindi nasoc sa sarili
+yaong pan~gun~gusap na paghihiganti,
+at hindi ninasang bumigcas nang sabi
+na laban sa gayong man~ga pagca-api.
+
+ Di nagpapakita nang tandang anoman
+nang tungcol sa man~ga gauang cagalitan,
+na sa pagbabata,i, maguing caculan~gan
+at siyang totoong pinaglalabanan.
+
+ Tunay na sinupil niyang di sa palá
+yaong sa catauang hilig na masama,
+na laguing pinag-cacahirapang lubhá
+yaong capurihang di ibig masira.
+
+
+
+
+_Capitulo 6.°_
+
+
+ At cahima,t, gayong caayos ang asal
+tunay na caniyang di pinararaan,
+ang man~ga pagdulog sa lahat nang araw
+na nagcucumpisal at nakikinabang.
+
+ Tanang camalian lalong maliliit
+ó ang caculan~gan ay isinusulit,
+marahil ang tauong hindi nag-iibig
+nang ganoong gaua,i, magtatacang labis.
+
+ Dahil sa malimit na man~ga pag-tangap
+niyong man~ga Santo Sacramentong uagas,
+gayon cung magsabi yaong man~ga tamad
+sa gauang magaling, matamlay gumanap.
+
+ Sa pagcucumpisal na laguing pag-dulog
+sa confesonario na aua ang handog,
+sa tauong may man~ga taimtim na loob
+sa nin~gas nang nasang calugdan n~g Dios.
+
+ Sa pagkita niyong man~ga caculan~gan
+agád hinahanap ang caliuanagan,
+na di napupuna nang ibang ang layaw
+sa Mundo, ang laguing na sa gunam-gunam.
+
+ N~guni,t, sa matibay ang sampalataya
+ang confecio,i, taga pamatnugot nila,
+siyang bumubuhay niyong calulua
+nang macasalanan na patáy sa gracia.
+
+ Capakinaban~gan nila sa madalas
+na pag-cucumpisal gracia,i, nag-dagdág,
+at tinatalicdan yaong gauang linsad
+at ang calooban ay napapanatag.
+
+ Sanhi sa pagtangap nang capatauaran
+sa man~ga nagaua niyang casalanan,
+at sa calulua,i, nag-ninin~gas naman
+apóy nang pag-ibig na lalong dalisay.
+
+ Cung sa ating pusò naman ay mag-alab
+ang buhay na sampalataya at uagas,
+pananalig saca pag-ibig na tapat
+ang calulua at gracia,i, matatangap.
+
+ At doon dudulog sa mahal na dulang
+nang pagcain niyong mahal na tinapay,
+nang man~ga Angeles, na di matimban~gan
+yaong caáliua,t, pag-papahinapang.
+
+ Sa paglacad nila na pasan ang Cruz
+sa mahal na piguing niyong mananacop,
+nagbibigay lacas at sigla nang loob
+nang sa Mundo,i, bilang nilang pagtalicod.
+
+ Cusang paghahandog sa Dios na Amá
+nang pagca-totoong man~ga lingcod sila,
+at sa canin~gasa,i, lubos ang pag-asa
+sa dibdib, nang nasà sa tuituina.
+
+ Na sa balang oras ay laguing tangapin
+si Jesús, sa Hostiang doo,i, nahabilin,
+at manaca-nacang iniuurong din
+ang pag-cocomunio,t, ala-ala dahil.
+
+ Ang di n~ga carapat-dapat magpatuloy
+sa caniyang pusò, yaong Pan~ginoon,
+na ang camahalan ay ualang caucol
+nang calac-ha,t, ualang capantay na dunong.
+
+ Sa pakikibacang capacumbabaan
+at yaong malaki niyang cagutuman,
+sa pagcain nang camahal-mahalang
+Maná, ang totoong ikinahahambal.
+
+ Cung minsa,i, totoong mahigpit na lubha
+ang loob, at sanhi nang ilinuluha,
+nang di cacaunti at lubhang sagana
+n~guni at inaliw nang Poong dakila.
+
+ Na huag matacot ó Anác cong hirang
+at huag lumayo sa laang cong dulang,
+sinomang tutun~go ditó,i, nag-tataglay
+nang dakila,t, ucol bagáng calinisan.
+
+ Sa camahal-mahalan n~gang Sacramento
+n~guni,t, ganap naman ang calinisan mo,
+ay natatacot ca,t, ang dahila,i, ¿ano
+sa ualang sakit ay anhin ang médico?
+
+ Cundi sa talaga na may man~ga damdam
+doon ang médico,i, kinacailan~gan,
+sa piguing n~g man~ga Angeles na tunay
+ang totoong lunas ay masusunduan.
+
+ Nang magpipighati,t, magtatamong galác
+ang man~ga mahina ay magsisilacas,
+at magsisitapang ang man~ga douag
+maestro at Amá sa han~gad na Anác.
+
+ Sa man~ga oveja,i, maauaing Pastor
+masintahing Hari sa lahat nang campon,
+at sa man~ga duc-ha,i, tan~ging Pan~ginoon
+at bucal nang cagalin~gan di sang-gayon.
+
+ Nang upang mangyari na tangapin niya
+ang sinoman sa di mamagcanong gracia,
+na ibinubobó ni Jesús na Amá
+niyong cagalin~gan niyang ualang hanga.
+
+ At sa calulua na masusunduan
+yaong cagalin~gang sa caniya,i, laan,
+ucol sa pag-gayac siya,i, hinatulan
+niyong pagtangap sa mahal na catauan.
+
+ Sa dakilang sala,i, di lamang malinis,
+cundi sa lalo mang salang maliliit,
+biling cailan~gan lamang ang pagligpit
+sa isang maáyos na pananahimic.
+
+ Lumayo sa lahat nang capopootan
+nang matá nang Amáng macapangyarihan,
+dapat na taglayin ang pang-hihinapang
+nang sa lan~git bagáng man~ga cahatulan.
+
+ Caya n~ga at nagdudumaling dumulóg
+si Margarita, sa pagtangap cay Jesus,
+at siya,i, hindi na lumayó pang lubos
+at nag-gunamgunam nang sa puso,i, taos.
+
+ Ang di pagcarapat at caralitaan
+sa caniya, ay siyang nagpasulong bilang
+doon sa pagtacbó nang batis na tunay
+nang pagca-dakila at niyong calac-han.
+
+ Sa paghahanda ay nagsisicap siya
+nang icagagaling niyong calulua,
+at isang mahusay na tahanan bagá
+nang ualang capantay na Hari at Amá.
+
+ Pinuspos ang lingcod niyong Poong Dios
+na si Margarita nang hindi masayod,
+na catamisan, at darakilang lugod
+nang camahal-mahalan n~gang Mananacop.
+
+ Caylanma,i, sadyang loob na maganda,t,
+nagbibigay nang biyayang mahalaga,
+nakikipanayam sa cay Margarita
+sa pananalan~gin niya sa tui na.
+
+ Santang mananahing ito ay cung minsan
+nag-hihinanakit niyong catamlayan,
+nang loob, sa gauang capalamaraha,t,
+masamang pag-ganti n~g macasalanan.
+
+ Na hinuhulugan ang pusong parati,
+n~g tanang caniyang m~ga penitente,
+n~g isang manin~gas na nasang malaki,t,
+calualhatian n~g Dios na casi.
+
+ Sa di mabilang na pagcagaling-galing
+n~g man~ga saliuang capalarang angkin,
+parang tumatacbong bulag ang cahambing
+sa capahamaca,t, ualang hangang lagim.
+
+ Namamagitan n~ga ay si Margarita,t,
+siyang humahandog na magtiis siya,
+dahilan sa gauang catacsilan nila
+ang hirap sa Mundo ay di alintana.
+
+ Madalas sabihing aniya,i, Anác co
+niyong Pan~ginoon nating Jesucristo,
+aniya,i, di bagá napagmamasdan mo
+ang lagay n~g lupang ito cung paano.
+
+ Tingnan mo,t, ang gracia ay binabayaran
+niya, n~g malaking catampalasanan,
+ang m~ga pag-ibig, niyong catamlayan
+man~ga pagsiphayo,t, caalipustaan.
+
+ May man~ga asauang cusang humahandog
+sa cahalayan n~gang cakilakilabot,
+ang binata namang nagbibiling lubos
+niyong calulua, sa camunting lugod.
+
+ Ang hiyas na taglay niyang calinisan
+n~g man~ga binata,t, n~g may asaua man,
+napabibihag sa ualang casaysayang
+pagmamarikit na laking casiraan.
+
+ Na caugaliang batis niyong sama
+niyong libolibong man~ga pagdaraya
+at saca n~g m~ga casalanang paua
+na sanhi n~g man~ga pagcapan~ganyaya.
+
+ Cung may naliligtas ditong man~ga ilan
+sa bahang mabilis n~g gayong casamán,
+napaalipin sa caparan~galanan
+sa hamac na pitang man~ga capurihan.
+
+ At gayon din sa pag-dedevoción
+at sa malimit man na pagtangap tuloy
+niyong Sacramento ni Jesús na Poon
+ay boong capacumbabaan ang ucol.
+
+ ¿Paano ang lagay cayang inaasal
+n~g ibang may hauac niyong catungculan,
+na hucom, na nagbibili n~g catuiran
+at inaapi ang ualang casalanan.
+
+ O dahil sa suhol at pagsamong gaua
+ó sanhi sa cayamanang di sapala,
+n~g m~ga campon n~g sakim na adhica
+na man~ga tauo n~gang hindi nahihiya.
+
+ Na maghandog niyong inciensong bulaan
+na puring cunua sa may catungculan,
+gayon din ang man~ga naghahanap-buhay
+na di ginagauang hustong catuiran.
+
+ Saca yaong lahat nama,i, dinadaya
+n~g upang macamtan ang anomang nasa
+ang cabulaana,t, pagpapan~ganyaya
+at man~ga paraang iba,t, ibang gaua.
+
+ Ang di nahahabag na sinoman siya
+sa man~ga bao co at man~ga ulila
+na ualang mag-ampon at saca bagcus pa
+na cusang ginahis nilang tinalaga.
+
+ Tanang pag-aaring nan~gadayang lalo
+sa canilang lalang na pagpapatubo
+¿paanong ang lan~git caya,i, ibububo
+ang gracia, sa man~ga tampalasang pusò?
+
+ Na di pansin yaong man~ga casalanan
+loob ay matigas cung sa cabandayan
+yao,i, isang moog na nacahahadlang
+n~g sa Dios bagáng man~ga caáuaán.
+
+ Yaong man~ga yaman ó aring linupig
+sa apong ulila pamangkin mang cahit,
+maguing sa ibá ma,i, ibigay mong pilit
+sa payapang landás nang di ca malihis.
+
+ At huag mo sanang ilicmo sa nasa
+na icaw sa hindi iyo,i, magpasasa,
+cung malinlang mo man ang iyong capua
+ang Dios ay hindi mo na madadaya.
+
+ Masasarapang ca hangang guinugugol
+yaong yamang hindi icáw ang nagtipon
+subali,t, pagdating n~g tacdang panahon
+icáw ang sa dalita naman ang tataghoy.
+
+ Ang iguinagalang na pantas mong isip
+na ang lalong lico ay pinatutuid,
+darating ang araw na ipag-susulit
+sa Hucom na di ca macapaglilic-lic.
+
+ Diyata,t, sa gayo,i, natitiuasay ca,t,
+ang huling darating ay di ala-ala,
+ipinapalit mo sa munting ligaya
+ang Lan~git na ualang catapusang saya.
+
+ Cung gayon ang iyong acala icaw
+sa iyong sarili ay madarayaan,
+ang camatayan mo,i, mabuti na lamang
+cung di magtumuli,t, hacbang ay dumalang.
+
+ Sa cay Margarita,i, itong hinihiling
+na iniluluhog nang boong dalan~gin,
+nang macalilibo na liuanagan din
+ang malabong isip, ito,i, siyang daing.
+
+ ¡Yaong man~ga aba na saliuang-palad
+ikinahahambal niyang dili hamac,
+yaong casalanang napag-tatalastas
+na di pinapansin niyong man~ga sucab.
+
+ Ang hindi sa palang man~ga catacsilan
+ay iguinaganting pinagbabayaran,
+sa catauan niya,t, pinahihirapan
+parang siyang tunay na may casalanan.
+
+ Sa guitna nang gayon napagpapasakit
+sa sarili niya nang calupit-lupit,
+na pagpaparusang cusang tinitiis
+sa catauan niya nang calait-lait.
+
+ Tanang capaitan sa caniyang loob
+at lalong masaclap na dusta,t, pag-ayop,
+ay dinadakilang sa pusò ay taos
+sa cay Jesucristo ay pag-sintang lubos.
+
+ Nagsasacdal siya sa icaaáliw
+niyong Isang Reyna na ualang cahambing,
+ualang bahid dun~gis at saca sa Angel
+nating taga tanod ay idinadaing.
+
+ Ipinamamanhic sa magpacalin~ga
+na Vírgen María na Iná nang aua,
+sa tanang Angeles sa lan~git na madla
+ay isinasamo nang boong pagluha.
+
+ Madaling pagdin~gig ay napagkilala
+sa lahat nang man~ga carain~gan niya,
+loob niya cung minsan ay binuhay pa
+sa pag-papanayam at pagdalaw bagá.
+
+ Bucod dito,i, siya,i, pinagca-looban
+nang Dios, nang graciang camahal-mahalan,
+bagong Magdalena ang siyang cabagay
+nang cay Margaritang biyayang kinamtan.
+
+ Sa pag-gaua niya nang man~ga himala
+sa matining niyang pagpapacababá,
+ayon sa caniyang matibay na nasa
+na pagpapaualang halaga sa lupa.
+
+ Cailan~gang gauin sa harap n~g lahat
+na maguing paraang macahihicayat,
+camay sa may sakit ay naguiguing lunas
+na capagnahipo,i, gumagaling agád.
+
+ Gayon ma,i, di siya pinaghihirapan
+n~g nan~gagnanasa capagnadain~gan,
+tungcol sa alin mang gauang caauaa,t,
+di han~gad gantihin n~g anomang bagay.
+
+ Bagcus dumadalo na caracaraca
+sa may cailan~gan na sinoman siya,
+sa capua tauo,t, cagalin~gan niya
+at capayapaa,i, linilisan muna.
+
+
+
+
+_Capitulo 7.°_
+
+
+ Dalauampu,t, tatlong taón ding guinanap
+ang pagsasanay sa pagpapacahirap,
+at pananalan~gi,t, pag-ibig na uagas
+ni Margarita, sa tumubos sa lahat.
+
+ At iba,t, iba pang man~ga cabanalan,
+na icararapat sa Poong lumalang,
+sarisaring gauang cagandahang asal
+na siyang totoong tunay na uliran.
+
+ Upang ipahayag yaong nalalapit
+n~g araw na dito sa Mundo,i, pag-alis,
+at n~g salubun~gin n~g nan~gapipiit
+sa purgario,t, mahan~go sa sakit.
+
+ Dahil sa hirap at pag-pepenitencia
+at pananalan~gin sa tuituina
+at man~ga pagluhog sa Dios na Amá
+bilang bayad doon sa canilang dusa:
+
+ Sa pagmamasakit na hindi cauasa
+sa iguiguinhauang tunay niyong madla
+niyong m~ga caluluang pinagpala
+sa icacacauas ay handog na paua.
+
+ Nang natitira pang casalanang bahid
+ay binabayaran niya n~g pasakit
+n~g minsa,i, tatlong buhay na napatid
+na idinadalan~gin sa Dios sa Lan~git.
+
+ Yao,i, di nag-iuan n~g mabuting tanda
+na sila ay napacagaling na cusa,
+ay naguing dapat ding siya,i, pakingan n~ga
+ni Jesús, at tuloy ipinaunaua.
+
+ Na ang calulua n~g tatlong namatay
+uala sa Infierno,t, nagtitiis lamang,
+n~g ban~gis n~g madlang man~ga cahirapan
+ayon sa mabuting man~ga cahatulan.
+
+ At dahil sa Hucom na lubhang matuid
+saca sa pagdalaw n~g man~ga Angeles,
+halos ualang sucat icaásang labis
+sa icagagaling na canilang nais.
+
+ N~guni, sa pan~gahas na man~ga acala,
+niyong man~ga tauo na nan~gabibigla
+ay na sa Infierno ang canilang haca
+na hinahatulan agad yaong capua.
+
+ Sa bagay talos nang man~ga cahirapan
+n~g nan~gapipiit sa calumbaylumbay,
+na sinasapit nang na sa bilanguan
+na dusa, sa gaua nilang casalanan.
+
+ Maipahayag na sa caniyang matapos
+n~g lubhang dakilang mahabaguing Dios
+ay totoo niya na ikinalugod
+ang gayong balitang caniyang natalos.
+
+ At saca muli pang idinaing nito
+ang man~ga capalamarahan nang tauo,
+dahil sa casamán nilang di gaano
+ang hampas sa bayan ay ibinubunto.
+
+ Para bagá bilang na napipilitan
+yaong pagbulusoc n~g casacunaan,
+at ayaw umulat nang nan~gamamayan
+ang matá, sa samang dapat na ilagan.
+
+ Niyong masabi na sa cay Margarita
+ang tantong mapalad na pagpanaw niya,
+sa Mundo, ay tunay na nanghihina na
+sa higpit nang man~ga pag-pepenitencia.
+
+ Yaong natutupoc mandin ang cauan~gis
+sa alab n~g apoy n~g laking pag-ibig
+may maliuanag man siyang nalilirip
+niyong cagalin~gan niyang ninanais.
+
+ Hindi dahil dito ay pinabayaan
+ang man~ga pag-gaua niyong cabanalan,
+yaong paghahanda at naaalaman
+ang catacot-tacot na huling pagpanaw.
+
+ Tinangap na hindi sucat na masayod
+nang cataimtiman sa caniyang loob,
+ang biático n~gang casantusang lubos
+nitong bunying Santang catoto n~g Dios.
+
+ At sa loob niyong labing-pitong araw
+ay ualang kinain na cahit anoman,
+at ang ikinabubusog niya lamang
+ay ang sa Lan~git na man~ga caaliuan.
+
+ Na umaápaw sa caniyang calulua
+sa pagca-talastas na nalalapit na,
+yaong cauacasan niyong buhay niya,t,
+tutun~go cay Jesús niyang sinisinta.
+
+ At magpasaualang hanga,i, matatamo
+sa labi ay ualang bigcas cundi ito,
+man~ga pakiusap na di mamagcano
+sa camahal-mahalan niyang Esposo.
+
+ Yaong maicli n~gang man~ga panalan~gin
+na madagabdab na apóy ang cahambing,
+sa caniyang pusò ay di nagmamaliw
+ni camunting oras ay di nagtitiguil.
+
+ Araw na ica dalauang pu,t, dalaua
+nang Febrero,t, taóng isang libo,t, saca
+dalauang daa,t, siyam na pu,t, pito pa
+ay sa Santo Cristo,i, nacayacap siya.
+
+ Na nacadaiti ang labi sa mahal
+na sugat n~ga bagang na sa taguiliran,
+inihahabilin sa ualang capantay
+na Dios, ang calulua niyang papanaw.
+
+ Noo,i, apat na pu,t, ualong taón siya
+dalauang pu,t, apat na nag-penitencia,
+may nag-sasabi na ang Anác niya
+ay naguing banal din na Religioso pa.
+
+ Doon din sa Orden na cay S. Francisco
+na huli sa Iná na namatáy ito,
+n~guni,t, nang oras na pumanaw sa Mundo
+ang buhay nang Santa,i, nakitang totoo.
+
+ Nang isang dakila na lingcod nang Dios
+na ang calulua,i, umakyat na lubos,
+sa bayang lualhating ualang pagcatapos
+madlang calulua ang nacalilibot.
+
+ Sa pag-tatagumpay ay nan~gagsasaya
+at sa purgatorio,i, nacalabas sila,
+n~guni,t, yaong bangcáy nang mahal na Santa
+ay gumandang lalo cay sa n~g buhay pa.
+
+ Humahalimuyac ang labis na ban~go
+na naca-aáliw sa nacasasamyo,
+caloob nang Dios ang dan~gal na ito
+sa bangcay nang nagpacahirap sa Mundo.
+
+ Na sinagaua nang man~ga penitencia
+nang pula,t, paglait dusta at pagmura,
+cusang sinagasa,t, di inalintana
+ang lahat na yao,t, niualang halaga.
+
+ Bahagya na lamang pumasoc sa Ciudad
+ang balita niyong camatayang uagas,
+n~g malualhati na Santang mapalad
+gayong di mabilang ang nan~gacamalas.
+
+ Sarisaring tauo ang nan~gagsidalaw
+pagbibigay galang sa mahal na bangcay,
+niyong maralitang mananahi,t, bilang
+pagpapahalaga na dakilang tunay.
+
+ Niyong cabanala,t, sa di gagaano
+na pagcacatipon n~g maraming tauo,
+binabantayan n~ga ang cabaong nito
+sa pagsisicsican n~g nagsisidalo.
+
+ Upang mahadlan~gan yaong pan~gan~gahas
+nang nagnanacaw nang mithing Relikias,
+at saca canilang sinootang agad
+ang bangcay nang damit na pula ang bicas.
+
+ Ipinag-procesión sa man~ga lansan~gan
+sa Ciudad, sa lalong hayag n~gang daan,
+at ilinagac sa loob nang Simbahan
+ni S. Basilio sa bagong libin~gan.
+
+ Ang man~ga casamang nan~gag-libing dito,t,
+lahat nang Clerigo,t, man~ga Religioso,
+gayon din ang lahat nang man~ga guinoo
+doon sa Cortona, at dakilang tauo.
+
+ Macaraan naman ang may ilang taón
+ay itinago sa Simbahan din yaón,
+sa isang maran~gal na capilla ucol
+sa mahal na Santa,t, saca n~g manoynoy.
+
+ Niyong Santo Papang si León Décimo
+ang man~ga himalang dakilang totoo,
+na pamamag-itan sa maraming tauo
+sa Dios, nang Santang lubhang masaclolo.
+
+ Lalo pa n~ga niyong caniyang mamasdan
+na di nabubuloc ang mahal na bangcay
+magpahanga n~gayon cahit nacaraan
+ang bilang nang taóng higuit pitong daan.
+
+ Umayon sa galang na handog sa caniya,t,
+tinulutan naman ang taga Cortona,
+na ipinagdiuang ang caniyang fiesta
+doon sa Ciudad nang puspos na saya.
+
+ Cay Papa Urbano Octavong utos din
+na ilaganap cay S. Franciscong Orden,
+sinulat nang taong isang libo,t, anim
+na raa,t, dalauang pu,t, apat ang turing.
+
+ Na catunayan n~gang na sa casulatan
+sa man~ga beato,i, ipinakibilang,
+saca sa man~ga malualhating banal
+itong mananahi na Santang maran~gal.
+
+ Ang Santo Papa Benidicto Tercero
+ipinag-utos na ipagdiuang dito,
+n~g Santa Iglesia nitong boong Mundo
+sa kinabucasan nang pagpanaw nito.
+
+ Iniin~gatan n~ga n~g puspos na galang
+ang di nabubuloc na caniyang catauan
+sa kinalalagyang mahal na Simbahan,
+niyong man~ga Pareng Franciscanong tanan.
+
+ Tauag nang Simbahan ay binago nila
+na cay S. Basilio ang n~galan nang una,
+n~gayo,i, inihayag ang Simbahan bagáng
+sa babayeng bunying Santa Margarita.
+
+ Ito n~ga ang siyang dinaanang buhay
+nang babayeng hayag na macasalanan,
+na iniuan yaong man~ga casamaan
+at hinarap yaong man~ga cabanalan.
+
+ Gaya nang palaguing caniyang uicain
+na inuugali tuing dumaraing,
+sa cay Jesucristong Pan~ginoon natin
+nang pagpapakitang loob na magaling.
+
+ Pan~ginoon aniya,t, Ama cong mahal
+bakit ipinayag mo po caya naman,
+sa isang gaya co na macasalanan
+ang cahan~gahan~ga na cababalaghan.
+
+ At iba pang bagay na calooban mo
+naririn~gig naman ang sagot na ito,
+niyong Pan~ginoong nating Jesucristo
+cahalimbaua icaw nang lambat co.
+
+ Na ipanghuhuli nang macasalanan
+na nan~gahihilig sa man~ga casamán,
+na lumilipana sa Mundong ibabaw
+at nan~gag-uaualang bahala sa buhay.
+
+ Huag cang manimdim at lubhang marami
+ang macasalanan na nan~gag-sisisi,
+nag-pepenitencia cung madilidili
+ito,i, calooban cong biyayang malaki.
+
+ Di dapat na ipag-caloob sa iyo
+cundan~gan siya cong sinusunod dito,
+yaong mataimtim na pag-sisisi mo
+lahat namang ito ay naguing totoo.
+
+ Na ibinibigcas sa bibig na mahal
+ni Jesús na Poong sumacop sa tanan,
+na nagcacaloob nang lahat nang bagay,
+sa ating ovejang canyang kinapal.
+
+ At ito n~gang lubhang marikit na lambat
+na siyang sa atin ay humuling cagyat,
+sa dalampasiga,i, hangang sa masadsad
+nang isang magandang pag-sisising uagas.
+
+ Sa dakilang pag-babalic loob natin
+nang tayo,i, caniyang papaguing dapatin,
+magtamong graciang ualang pagmamaliw
+gaya nang caloob sa Santang butihin.
+
+ Niyong Amáng Dios na ualang capantay
+na lubos ang aua sa tanang kinapal,
+at si Margarita ang ating tularan
+tan~gisang ang ating sala,t, pag-sisihan.
+
+ Ipagmaca-aua natin at iluhog
+nang buong capacumbabaan cay Jesús,
+sa pamamag-itan tayo ay sumunod
+sa cay Margarita na magbalic loob.
+
+ ¡Oh malualhating Santa Margarita
+na sa penitenteng naguing huarang ca,
+sa macasalana,i, ulirang talaga,t,
+caáliuang lagui sa tuitui na.
+
+ Liniuanagan n~g tunay niyang ilaw
+ipinagpighati mo pa,t, tinan~gisan,
+ang lahat n~g iyong man~ga casalanan
+na naguing dapat cang pinagpakitaan.
+
+ Ni Jesús na Amá at ipinahayag
+di mamacailan na ipinatauad
+ang man~ga sala mong lubhang mabibigat
+n~g boong, capacumbabaang di hamac.
+
+ At sa madalas mong pag-pepenitencia,i,
+laguing dinadalaw na inaaliw ca,
+n~g Esposong lubhang maauaing Amá
+sa iyo,i, ipinagcatiualang sadya.
+
+ Yaong matataas na lihim n~g Lan~git
+at minarapat cang lambat na guinamit
+humulili n~g calulua at naghatid
+niyong pagsisisi at panunumbalic.
+
+ Nangloob, na hilig sa pagcacasala
+caya n~ga bunying malualhating Santa,
+na tan~ging cay Jesús na iniibig ca,t,
+calacasang lubos n~g man~ga sa sala.
+
+ Tanang penitente icaw ang uliran
+caya lumuluhod sa iyong paanan,
+nagmamacaaua na ipamagitan
+sa Dios, at upang gracia,i, aming camtan.
+
+ Nang makilala co,t, tan~gisang palagui
+ang casalanang co,t, nan~gagauang saui,
+at macatindig din sa pagcalugami
+sa daya n~g Mundo at pagcacamali.
+
+ Madin~gig co yaong iyong napakingan
+n~g lubos na igauad ang capatauaran,
+sa lahat n~g aking gauang catacsila,t,
+aco,i, magcaroon n~g capayapaan.
+
+ Ang nagpipighati na calulua co
+ipagmacaamo n~gayong iluhog mo,
+sa iyong caibig-ibig na Esposo,t,
+sugatang gaya n~g pagsugat sa iyo.
+
+ Paglampasan niyong totoong palaso
+at boong pag-ibig niyaring aking puso,
+at huag manaig ang anomang anyo
+cundi ang sa iyo,i, lubos na pagsuyo.
+
+ At yayamang n~gayon ay napapahamac
+yaring cahinaa,i, upang magcapalad
+na mag-penitencia,t, sa iyo,i, tumulad
+magsisi,t, ang Lan~git n~g aming matuclas.
+
+ Di cung magcagayon ay macaaasa
+caming maliligtas sa bilis n~g dusa,
+cung cami,i, matuto na man~gagsigaya
+sa guinaua niyong Santa Margarita.
+
+
+
+
+=BUHAY NANG MARTIRES=
+
+
+ Ang lalong mabuti sanang uliranin
+n~g m~ga dalaga ay ang limang Martir,
+na minatamis pang buhay ay nakitil
+main~gatan lamang yaong pagca Vírgen.
+
+ Sasalaysaying co n~gayong isa isa
+ang pinagdaanang man~ga buhay nila,
+n~guni at ang aking sasaysaying una,i,
+ang pag-mamartir ni Santa Dorotea.
+
+ Bantog sa Ciudad yaong cagandahan
+niyong Cesarea, at sa cabaitan,
+cagandahang yaon ang naguing dahilan
+n~g calunos-lunos niyang camatayan.
+
+ Manang isang araw ay tinauag ito
+nang Hucom na nagn~ganlang si Apricio,
+at hinicayat siyang di mamagcano
+na siya,i, sumamba sa man~ga Idolo.
+
+ Pagca,t, ang uica niya,i, isang caululan
+ang gauang pag-samba n~g man~ga binyagan,
+doon n~ga sa isang tauong hamac lamang
+na nag-caroon nang laking casalanan.
+
+ Caya n~ga at ipinaco siya sa Cruz
+na pinarusahan nang man~ga Judios,
+cay Santa Dorotea n~gang isinagot
+ay si Jesucristo ang totoong Dios.
+
+ Sa Lupa at Lan~git siya,i, Haring tambing
+na dapat igalang natin at sambahin,
+cung caya ang dusa ay dahil sa atin
+nang tayo,i, matubos sa pagca-alipin.
+
+ Ang sa cay Apriciong guinaua pagdaca
+tinauag si Crista,t, saca si Calista,
+man~ga babayeng tumalicod sila
+sa totoong Dios nang sampalataya.
+
+ Na cay Doroteang capua capatid
+at inihabiling himuking mapilit,
+ang naturang Virgen at upang maákit
+na siya,i, sumamba sa man~ga Dioses.
+
+ Datapua,t, tunay na nasayang lamang
+yaong capagalan nang dalauang hunghang,
+sa pagca at sila,i, siya pang naácay
+sa pag-sisisi at pagbabagong buhay.
+
+Caya,t, ang guinaua nang lubhang malupit
+na Hucom ay pinahubaran nang damit,
+si Santa Dorotea sa laking galit
+at ipinag-utos nang labis at higpit.
+
+ Na dictan ang caniyang boong catauan
+niyong linapad na man~ga tanso,t, bacal,
+na man~ga binaga,t, upang mahirapan
+at cung matapos na ay saca pugutan.
+
+ Yaong Martir namang si S. Teopilo
+dating caáuay nang man~ga cristiano,
+doon sa Hucoman ay palagui ito
+sa dahilang siya,i, isang Abogado.
+
+ Pagca,t, lubos niyang kinatutuaan
+cung may isusumbong na pagbibintan~gan,
+na cahima,t, sinong man~ga bininyagan
+at inaari niya na isang aliuan.
+
+ Caya,t, ang sinabi na narin~gig niya
+sa Hucom, niyong si Santa Dorotea,
+na di nauaualan cailan man bagá
+nang man~ga sariuang bulac-lac at bunga.
+
+ Sa halamanan nang caniyang Esposo
+sa lualhating bayang Paraizo,
+ang nasoc sa isip n~ga ni Teopilo
+ay sa paglacad ay salubun~gin nito.
+
+ Ang Vírgeng mapalad na si Dorotea
+caya n~ga noong ilinalacad na,
+sa pag-pupuguta,i, ihahatid siya
+sinalubong naman na caracaraca.
+
+ Inaglahi na niyang lubos na tinuyá
+at pinag-bilinan pa niya conoua,
+na padalhan siya nang ibinalita
+na bun~ga,i, bulac-lac na man~ga sariua.
+
+ Ang sabing birong uala sa loob niya
+at pagpalibhasa lamang na talaga,
+ang pagmamartir ni Santa Dorotea
+na tinangap naman ay nang matapos na.
+
+ Niyong oras din n~gang sinasaysay naman
+ni Teopilo, sa ilang caibigan,
+ang biling bulac-lac at bun~gang halaman
+na ipinan~gacong siya,i, padadalhan.
+
+ Ay nagtatauanan silang para-para
+ualang ano ano,i, nacakita sila,
+niyong isang batang lalaking maganda
+sa cay Teopilo,i, lumapit pagdaca.
+
+ Siya ay binigyan nang tatlong manzanas
+na sa isang san~ga nabibiting lahat,
+saca tatlo naman nang sariuang rosas
+na cahan~ga-han~ga sa matáng mamalas.
+
+ Tuloy na sinabi naman sa caniya
+yaon n~ga ang bilin niyang ipadala,
+sa minartir na si Santa Dorotea
+at biglang nauala naman capagdaca.
+
+ Nagtacá si Teopilong hindi hamac
+yayamang caniyang napagtalastas
+na sa man~ga araw na yao,i, di dapat
+na mamun~ga yaong halamang manzanas.
+
+ At ang man~ga rosa,i, di capanahunang
+magsipamulac-lac ayon sa dahilan,
+na noo,i, panahong laking calamigan
+caya lubos siyang nagulumihanan.
+
+ Pinagcalooban din siya nang Dios
+nang bisa nang gracia na icatatalos,
+na Dios n~gang tunay si Cristong sumacop
+sa salang minana nitong Sansinucob.
+
+ Ipinagsigauan na n~ga ni Teopilo
+na siya,i, totoong tunay na cristiano,
+humarap sa Hucom at sinabi dito
+hangang sa minartir siyang naguing Santo.
+
+ Caya at siya rin nama,i, nacasama
+nang Martir na si Santa Dorotea,
+at kinamtan ang lualhating gloria
+na bayan nang madlang tua at guinhaua.
+
+
+
+
+=STA. CATALINA MARTIR=
+
+
+ Si Santa Catalina Martir ay Anác
+nang mahal na tauo sa nasabing Ciudad,
+sa Alejandría ay siya,i, namulat
+sa man~ga Idolo nang pagsambang ganap.
+
+ N~guni at pinaturuan naman siya
+na magaling nang caniyang Amá,t, Iná,
+madaling natuto niyong iba,t, ibang
+man~ga carunun~ga,t, lubhang na bihasa.
+
+ Linoob nang Dios siyang liuanagan
+nang gracia niyang camahal-mahalan
+nakilala niya ang catotohanan
+na si Jesucristo ay Dios na tunay.
+
+ At ualang aral na matuid na puspos
+cundi ang lahat nang man~ga sinusunod,
+nang man~ga cristiano caya,t, tumalicod
+sa Idolo,t, siya,i, nagbinyagang lubos.
+
+ Nang macaraan nang man~ga ilang araw
+sa pagtulog niya,i, napakita naman,
+yaong Pan~ginoong Jesucristong mahal
+at Vírgen Maríang cabanal-banalan.
+
+ Casama ang madlang maraming Angeles
+na sinootan siya ang napanaguinip,
+nang isang singsing at n~ginalanang tikis
+na Esposa niyong Pan~ginoong ibig.
+
+ At nakita niya nang siya,i, maguising
+sa isang daliri ang nasabing singsing,
+magmula na noo,i, nag-alab na tambing
+sa caniyang pusong pag-ibig na angkin.
+
+ Sa Dios, at di na sa bibig naualay
+ang Jesús na n~galang catamistamisan,
+at uala n~ga cundi si Jesús na lamang
+sa hinin~ga niyang pinagbubuntuhan.
+
+ Caniyang pinag-nanasa ang malabis
+na makita niya ang Dios sa lan~git,
+at yaon ang siyang ikinasasabic
+na muntima,i, hindi maualay sa isip.
+
+ Mana,i, nagpatauag nang panahong ito
+ang Emperador na si Maximiano,
+na balang binyagang cahiman at sino
+talicdan ang Dios nang man~ga cristiano.
+
+Sa dagling panaho,t, ang balang sumuay
+ay magsihanda na,t, sila,i, mamamatáy,
+sumunod sa utos niyong napakingan
+si Catalina n~gang babayeng maran~gal.
+
+ Caya,t, ang guinaua ay cusang humarap
+sa Emperador at ang ipinahayag,
+ay binyagan siya na cusang tatangap
+niyong camatayan sa Ley ay atas.
+
+ Ang Emperador ay cusang natiguilan
+pagca,t, tila manding naálang-alang,
+ang malabis niyang man~ga calupitan
+doon sa dalagang puspos carunun~gan.
+
+ Bakit kilala nang ang babayeng ito
+ay tunay na Anác nang mahal na tauo,
+ang taglay na gulang ay lalabing-ualong
+taón nang humarap cay Maximiano.
+
+ Sa Emperador na inacala naman
+na madaling yaon ay mauupatan,
+at dahilan doon sa caniyang taglay
+na cabataan pa,i, marupoc ang lagay.
+
+ Ipinasundó n~ga ni Maximiano
+lalong marurunong niyang filósofo,
+niyong tanang man~ga Idolatrang tauo
+siyang laang magsisihicayat ito.
+
+ Sa cay Catalina na babayeng Virgen
+na sa Idolo ay ibig pasambahin,
+limang pu pagdaca doon ang dumating
+pinacamarunong nan~gusap na tambing.
+
+ Guinamit ang lahat nang man~ga paraan
+sa cay Catalina upang mahiboan,
+sa Demonio pa silang tinulun~gan
+n~guni,t, sila,i, ualang nagauang anoman.
+
+ At kinasihan nang Espíritu Santo
+ang abang babaye cung caya natuto,
+nang man~ga panagot caya n~ga,t, nagtamo
+siya, sa calaban niyong pananalo.
+
+ Nagpilitang nan~gagsikilala tuloy
+yaong filósofong limangpung marunong
+sa cay Jesucristo na Dios na Poon
+at nan~gagsisamba silang mahinahon.
+
+ Minagaling nilang man~ga catuiran
+at ang mariríkit na man~ga pan~garal,
+n~g caharap nilang dalagang timtiman
+na hindi nan~gambang naghain n~g buhay.
+
+ Sa malaking galit niyong Emperador
+ay pinasungaban yaong marurunong,
+na filósofos at iniutos tuloy
+na silang lahat ay sunuguin sa apoy.
+
+ Caya't silang lahat nama'y para-parang
+sinac-lolonan nang mahal na gracia,
+sa gayong pasakit ay namatay sila
+alang-alang sa cay Jesucristo bagá.
+
+ Si Catalina,i, ipinahampas naman
+at di pinacaing labing isang araw,
+at di pinainom n~ga sa bilanguan
+hinihimutoc niya sa madlang paraan.
+
+ Hindi naman pinahalagahang lubos
+ang tanang pan~gaco na idinudulot,
+sa caniyang lahat na pakitang loob
+cahit camunti man ay di nalamuyot.
+
+ Emperatriz tuloy ay pinapugutan
+na asaua niyong mabunying General,
+na si Porfirio dahil sa pagdalaw
+sa cay Catalinang na sa bilanguan.
+
+ At silang lahat ay nanampalataya
+sa Dios, at tuloy nan~gagbinyagan pa,
+saca iniutos niyong palamarang
+gulun~gan n~g bató ang dakilang Santa.
+
+ Na may nacapacong maraming patalim
+sa boong paliguid caya't nanalan~gin,
+sa Dios, si Santa Catalinang Virgen
+sa hirap na yaon na dadalitain.
+
+ Caya n~ga nasira,t, sumabog pagdaca
+ang gulong, at madlang sumampalataya,
+sa cay Jesucristo n~guni at lalo pang
+tumigas ang loob sa pagpaparusa.
+
+ Nang tacsil na Emperador Maximiano
+agád iniutos na putlan n~g ulo,
+itong Vírgeng Mártir at nanaw sa Mundo
+yaong calulua,t, Lan~git ay tinamo.
+
+ Catauan n~g Santa,i, sa Dios inibig
+na buhatin naman n~g man~ga Angeles,
+sa taluctoc niyong bundoc inihatid
+n~g Sinay, at doon nalibing na tikis.
+
+
+
+
+=SANTA POTAMIANA=
+
+
+ Ang Vírgen at Martir at hirang na Santa
+na alilang tan~gi na si Potamiana,
+puspos cahinhina,t, dalagang maganda
+na nacalulugod sa titig n~g matá.
+
+ Na di nahicayat camunti man lamang
+niyong pan~ginoon sa pitang mahalay,
+ang di pagcagahis sa n~gayong paglaban
+ang sa pagca Martir ay naguing dahilan.
+
+ Pagca,t, ang ginaua niyong pan~ginoóng
+malibog, sa bagay na hindi pag-ayon,
+ay dumulog n~ga siya sa Gobernador
+sa Alejandría ay ipinagsumbong.
+
+ Ang di miminsang caniyang pagcahiya
+doon sa mahalay niyang ninanasa,
+at sinabi yaong caniyang alila
+at caibigan niya pagcapalibhasa.
+
+ Yaong Gobernador at ang cahilin~gan
+si Potamiana,i, dapat pahirapan,
+na patayi,t, siya,i, sumunod sa aral
+ni Jesucristo,t, tunay na biniyagan.
+
+ At ayaw sumamba sa man~ga Idolos
+na siyang dito,i, ating dinidios,
+n~guni,t, ibinulong n~g may asal hayop
+sa Gobernador na tampalasang loob.
+
+ Na si Potamiana ay huag aanhin
+cun hindi madali lamang paouiin,
+sa caniyang bahay at papan~gacuin
+na ang calooban niya,i, siyang sundin.
+
+ Sa Gobernador n~gang pinan~gatauanan
+ang pagsunod sa caniyang caibigan,
+at si Potamiana ay pinagbaualan
+na tunay na siya ay pasusungaban.
+
+ At ilalagay sa cumuculong lan~gis
+hangang ang hinin~gang tangan ay mapatid,
+cun ang pagsamba niya ay di maáalis
+sa cay Jesucristo cacamtan ay sakit.
+
+ Cung sa calooban ay tatangui siya
+niyong pan~ginoo,i, pilit magdurasa,
+sa balang mahigpit ay di nabalisa
+alilang mabait at di man nan~gamba.
+
+ Pagdaca,i, nan~gusap siya nang ganito
+labis na aniyang natatalastas co,
+anoman ang hirap na iparusa mo
+sa akin ay pilit matatapos ito.
+
+ Na di malalao,t, ualang sala naman
+at cung mauala na yaring aking buhay,
+at manaw na dito sa lupang ibabaw
+tunay naman acong pag-cacalooban.
+
+ Sa Lan~git, nang macapangyarihang Dios
+niyong lualhating ualang pagcatapos,
+at payapang buhay na ligaya,i, lubos
+ualang gutom uhaw dalita at pagod.
+
+ Cung matacot aco,t, sumunod sa iyo
+nanamnaming co n~ga sa buhay na ito,
+ang sandaling layaw niyaring catauang co
+sa cabulaanang hain nitong Mundo.
+
+ Mauiuili aco,t, maguiguinhauahan
+sa buhay na ito ang aking catauan,
+at malaking hirap naman ang cacamtan
+doon sa Infierno magpacailan man.
+
+ Icaw sa sarili n~gayo,i, pag-isipin
+cun ano ang iyong nararapat gauin,
+yamang ang puso co ay di magmamaliw
+na sa isang Dios lamang ihahain.
+
+ Sa Gobernador na maunauang tunay
+na ang pagod niya,i, masasayang lamang,
+at di magagahis ang dalagang hirang
+anoman ang gauin na man~ga paraan.
+
+ Caya n~ga, noon din ay ipinatauag
+ang man~ga verdugo at ipinag-atas,
+ang balang parusa ay ganapin agád
+doon sa dalagang loob na matigas.
+
+ Hindi man nasindac sa parusang yaon
+si Potamiana,t, pagdaca,i, lumusong,
+doon sa lan~gis na cumuculong hatol
+na itinatadhana niyong Gobernador.
+
+ Ang cahalimbaua ay lumusong lamang
+sa isang masarap niyang paliguan,
+dinálitang lubos yaong camatayan
+tikis na sumugbang di kinilabutan.
+
+ Huag na masira lamang ang caniya
+na matibay bagang pagsampalataya,
+at dalisay na pagca Vírgen sadya
+huag madun~gisan buhay ma,i, mapaca.
+
+ Caya,t, ang hinin~gang tan~ga,i, n~g mapatid
+ay kinamtang lubos ang tua sa Lan~git,
+cahirapan niya ay ginanting bihis
+n~g Amang lumalang nitong sandaigdig.
+
+
+
+
+=SANTA AGUEDA MARTIR=
+
+
+ Ang Virgen at Martir na Santa Agueda
+doon sa Palermo ipinan~ganac siya.
+Ciudad n~g cahariang Cecilia
+yaong pagcatauo,i, doon nakilala.
+
+ Namamahala n~ga n~g panahong ito,i,
+casalucuyang Emperador Decio,
+n~guni,t, si Agueda,i, magandang totoo
+ay di nabubuyo sa layaw sa Mundo.
+
+ Ang Amá at Ina,i, capua binyagan
+at mahal na lahi ang pinangalingan
+caya ang Anác ay pinaturuan
+n~g Amá at Inang marunong magmahal.
+
+ Niyong sarisaring carunun~gang angkin
+bakit may talagang cabaitang kimkim
+loob ay banayad at sadyang mahinhin
+sa tanang dalaga ay isa nang ningning.
+
+ Pagsapit sa ica dalauang pung taón
+n~g caniyang búhay bagáng linalayon,
+yaong cagandaha,t, loob na hinahon
+maban~gong bulaclac ang siyang caucol.
+
+ Caya n~ga,t, naacay sa gauang pagsinta
+ang Gobernador doon sa Cecilia,
+na si Quinciano ang pan~galan niya
+at moli,t, moli n~gang sumasamo siya.
+
+ Na tangapin yaong caniyang pag-ibig
+n~guni,t, si Agueda,i, tumanguing malabis,
+pagca,t, inialay ang pusò at dibdib
+sa Dios na Hari nang lupa at lan~git.
+
+ Ang pagca Vírgen niyang iniin~gatan
+ay di dinun~gisan magpacaila man,
+bakit si Quinciano,i, hindi binyagan
+at di sumasamba sa Dios na tunay.
+
+ Sa hindi pag-ayon sa iuing pag-ibig
+niyong si Aguedang may pusong malinis,
+si Quinciano n~ga,i, nagtaglay nang galit
+maálab na lubhang apóy ang caparis.
+
+ Inacala niyong Gobernador naman
+butihing dalaga ay pag-higantihan,
+nang dusang malabis at cadahilanan
+ay yaong nasapit niyang cahihiyan.
+
+ At agád-agád n~gang ipinatauag na
+doon sa hucuman yaong si Agueda,
+at pinagsabihang huag na sumamba
+sa cay Jesucristo at sumpain niya.
+
+ Dagling kilalanin at sambahin nito
+ang man~ga Dioses na pauang idolo,
+na sinasamba nang hindi cristiano,t,
+iguinagalang doon sa Imperio.
+
+ Nang sa cay Aguedang madin~gig ang utos
+ay sa Gobernador pagdaca,i, sumagot,
+ang loob mong iya,i, di co masusunod
+pagca,t, aco,i, ualang ibang Dinidios.
+
+ Cundi yaong tunay na si Jesucristo
+sa akin ay siyang may aring totoo,
+iyaring boong puso at calulua co
+alay sa caniya caratnan ma,i, ano.
+
+ Tunay acong hindi macahihiualay
+sa caniya, anomang aking caratnan,
+ay tumutol naman yaong tampalasang
+Gobernador bagáng sadyang calupitan.
+
+ At pinagbalaan yaong si Agueda
+na palalapatan nang labis na dusa,
+caya n~ga mapilit na sumunod siya
+sa iniuutos na man~ga pag-samba.
+
+ Sumagot na di man nagulumihanan
+at ipinahayag nang Virgeng matapang,
+na cahima,t, siya,i, alisan nang buhay
+ang utos na yao,i, di magagampanan.
+
+ Lubos ang caniyang pagsampalataya
+sa cay Jesucristo, at pag-ibig niya,
+matuluyang kitlin ang tan~gang hinin~ga
+yaon ang Dios niyang kinikilala.
+
+ Ipinatauag na niyong asal hayop
+na si Quinciano, ang man~ga verdugos,
+ni Santa Agueda ay ipinag-utos
+na pagtatampaling lacas ay iubos.
+
+ Cung matapos nama,i, canilang cayurin
+niyong man~ga cucong hayap na patalim
+ang boong catauan nama,i, sayaran din
+nang lapád na tansó at bacal na tambing.
+
+ Na pinapagbaga,t, saca pinaputlan
+nang dalauang suso niyong tampalan,
+ang tanang caharap ay kinilabutan
+sapagca,t, lumabis yaong calupitan.
+
+ Doon sa Vírgen ni Quinciano bagá
+caya,t, ang lahat nang doo,i, nacakita,
+sa gayong pahirap cay Santa Agueda
+muc-ha,i, di nagbago,t, lalo pang sumaya.
+
+ Ipinaculong na yaong bunying Martir
+sa bilanguan n~ga na lalong madilim
+at di malalao,t, pilit makikitil
+ang buhay sa gayong hirap na inatim.
+
+ Anopa at cusang lumiuanag naman
+ang sadyang madilim bagang bilanguan,
+at dumating doo,t, napakitang tunay
+ang malualhating Apostol na hirang.
+
+ Na si San Pedro,t, namasdan n~g lahat
+na biglang gumaling ang lahat n~g sugat,
+n~g cay Santa Aguedang catauang hayag
+na tila uala ring dinamdam na hirap.
+
+ Si Quinciano n~ga,i, bagcus pang nagalit
+sa bagay na yaong caniyang nabatid,
+at ipinag-utos n~g lalong mahigpit
+caladcaring hubad na bigyang pasakit.
+
+ Doon sa lupa n~gang sadyang sinabugan
+n~g maraming bága,t, man~ga bubog naman,
+ang utos na yao,i, agád ginampanan
+n~g man~ga verdugos na pauang sucaban.
+
+ N~guni at natacot yaong palamara
+at lihim na ipinadala ang Santa,
+doon sa bilangua,t, dahilan bagáng
+malacas na lindol ang nacabalisa.
+
+ Sa boong Ciudad at nan~gaglagpacan
+yaong man~ga bató na ikinamatay,
+ni Silvino saca ni Palcomio man
+caibigan niya,t, casama sa bahay.
+
+ Martir ay bahagya lamang humihin~ga
+sa catacot-tacot na pagcaparusa,
+n~g sa bilanguan ay naroroon na
+nanalan~gin na n~ga ang mahal na Sánta.
+
+ Pan~ginoong co aniyang Jesucristo
+yayamang aco po ay iniibig mo,
+at di itinulot na yaring loob co,i,
+mauili sa man~ga paraya n~g Mundo.
+
+ Ay marapatin po na tangapin mo na
+n~gayon yaring aking abang calulua,
+at mamatay naua aco sa pagsinta
+sa iyo Dios co,t, macandiling Amá.
+
+ Dinin~gig n~g Dios ang gayong dalan~gin
+caya n~ga,t, ang tan~gang hinin~ga,i, nakitil
+ni Santa Agueda,t, kinamtan noon din
+yaong lualhating ualang hangang aliw.
+
+ Anopa,t, natapos ang lahat n~g hirap
+nahaliling tua nama,i, ualang capas,
+yaong Virgeng Martir na lubhang mapalad
+n~gayo,i, na sa lan~git na puspos ang galac.
+
+
+
+
+=SANTA TEODORA MARTIR=
+
+
+ Niyong Emperador si Deocleciano
+nag-utos sumamba sa man~ga Idolo,
+ang man~ga binyagan na cahima,t, sino
+ang balang sumuay papanaw sa Mundo.
+
+ Caya n~ga,t, ang isang butihing dalagang
+Anác tauong mahal sa Alejandría,
+siya,i, nagn~gan~galang si Teodora
+na sa Idolos ay aayaw sumamba.
+
+ Dahilan sa gayong guinauang pagtangui
+ay ipinaculong ang abang babaye,
+doon sa bahay n~g man~ga ualang puri
+na sa cahalaya,i, pauang nauiuili.
+
+ N~guni,t, inin~gatan din naman n~g Dios
+at isang soldado ang doo,i, pumasoc,
+n~gala,i, si Didimo na binyagang lubos
+ang siyang sa silid niya ay naglagos.
+
+ Sa Santa at Martir cung caya tumun~go
+siyang cailan~ga,t, ang uica,i, ganito,
+huag cang matacot sa pagparito co
+at aco,i, cristiano ring caparis mo.
+
+ Caya sa silid mo kita ay linacbay
+ang calinisan mo,i, nang di madun~gisan,
+pagpasoc cong ito,i, ualang ibang pacay
+cundi sa nais co na mapag-in~gatan.
+
+ Iyang iyong puri caya tangapin mo
+at siyang isuot ang damit na ito,
+na cagayacan co sa pagcasundalo
+at lumabas ca na,t, magtagong totoo.
+
+ At aco ang siyang dito,i, matitira
+na mahahalili,t, upang maligtas ca,
+sa capahamaca,t, sa payong maganda
+ay agad pumayag din si Teodora.
+
+ Dagling isinuot na n~ga yaong damit
+na pagca-soldadong cay Didimong gamit,
+ang Santa,i, lumabas sa naturang silid
+na cahima,t, sino,i, ualang nacamasid.
+
+ Nang sa Emperador na mapag-alaman
+yaong pagcauala sa culun~gang bahay,
+nang man~ga babayeng búhay na mahalay
+ni Santa Teodorang loob na timtiman.
+
+ Pagca,t, hinalinhan siya ni Didimo
+caya nacalabas na hindi naino,
+siyang hinatulan na putlan nang ulo
+yaong nagpahiram nang damit soldado.
+
+ Mapagtalastas naman ni Teodora
+na si Didimo ang kikitlang hinin~ga,
+ay siya,i, tumacbong humabol pagdaca
+hangang sa dumating sa lupang talaga.
+
+ Na doon ang laang puputlan nang ulo
+yaong humaliling bayaning sundalo,
+aniya,i, ang dapat patayin ay aco
+alang-alang naua sa cay Jesucristo.
+
+ Yaong si Didimo ay sumagot naman
+uica,i, di matuid ang hiling mong iyan,
+sapagca,t, icaw ay aking hinalinhan
+aco n~ga ang siyang dapat na mamatay.
+
+ At yayamang iyong ipinagcaloob
+sa akin, ay dapat buhay co,i, matapos,
+n~guni,t, tumutol sa gayong palasahot
+si Santa Teodora at ang isinagot.
+
+ Ipinayag co n~gang aco,i, halinhan mo
+nang upang maligtas lamang ang puri co,
+sa capan~ganibang daya nitong Mundo
+doon sa bigay mo na damit soldado.
+
+ Hindi co ipinagcaloob sa bagay
+na hahaliuhan mong icaw ang mamatay,
+na magcamit niyong calualhatian
+niyong pagca-martir na sa aki,i, laan.
+
+ At hindi co han~gad mabuhay sa Mundo
+Hucom na malupit n~g madin~gig ito,
+pinaputlan yaong dalaua nang ulo
+ang hirang na man~ga alagád ni Cristo.
+
+ Siyang pagcatapos nang búhay na hiram
+nang dalauang Martir sa lupang ibabaw,
+at doon sa gloria,i, guinanti naman
+nang di matatapos na caligayahan.
+
+
+
+
+_Apat na pung sundalong Martir_
+
+
+ Man~ga Mártires n~ga na pinan~gan~ganlang
+de Sabaste yaong soldadong binyagan,
+apat na pung husto yaong cabilan~gan
+na hindi miminsan na pinahirapan.
+
+ Sa pagca-bilango nang isang malupit
+na Gobernador n~gang di nagdalang hapis,
+n~gala,i, Agricoláo nang nagbigay sakit
+sa banal na man~ga sundalong mabait.
+
+ Doon sa Sabaste nangyari nang una
+Ciudad nang cahariang Armenia,
+ang man~ga soldado,i, nang pahubaran na
+niyong tampalasa,t, ipinag-utos pa.
+
+ Na magdamag niya na ipinababad
+sa paliguan n~gang laang pangpahirap,
+na punó nang tubig lamig ay di hamac
+na pinahamuga,t, namumuong cagyat.
+
+ Dahil sa taglamig noon ang panahon
+caguinaua,i, halos ualang macaucol,
+ang di macatagal utos ay umaho,t,
+sa malahinin~gang tubig pumaroon.
+
+ Yao,i, siyang tandang tumatalicod na
+sa Dios na dati nilang sinasamba,
+ito ang tadhana sa sino mang siya
+na man~ga soldadong binigyang parusa.
+
+ Niyong hating gabing sadyang calaliman
+na yaong hinin~ga,i, papanaw na lamang,
+nang man~ga bayaning Mártires na tunay
+at para-para nang nagsisipan~gatal.
+
+ Sa malaking guinaw, n~guni at namalas
+na sa paligua,i, biglang lumiuanag,
+nakita nang isang bantay na caharap
+na hindi binyagan ang hiuagang ganap.
+
+ Na ang maligayang doo,i, pagpanaog
+nang mapag-candili na Poong si Jesús,
+na galing sa lan~git at humintong lubos
+sa tapat nang Martir na man~ga soldados.
+
+ At ipinag-utos sa casamang tanan
+na man~ga Angeles na pauang putun~gan
+nang isang corona balang isa naman
+nang man~ga Mártires na man~ga mamatay.
+
+ Tan~gi yaong isang loob na mahina
+na sa parusahan ay umahong cusa
+at di na mahintay ang coronang handá
+na sa gayong dusa ay ganting biyaya.
+
+ Pusò ay nagtaca,t, nagulumihanan
+at nagbalic loob sa Dios na tunay,
+yaong di binyagang doo,i, nagbabantay
+dahil sa himala niyang napagmasdan.
+
+ Ginaua pagdaca ay siya,i, naghubad
+at taos sa loob na ipinan~gusap,
+na cristiano siya sa tanang caharap
+at sa paliguan ay lumusong agád.
+
+ Di lubhang nalaon naman ay namatay
+caya maligayang caniyang kinamtan,
+ang sa pagca martir na coronang hirang
+sa sandaling hirap tua,i, ualang han~gan.
+
+ Ang mahinang loob na di nacabata
+n~g sandaling hirap alang-alang bagá,
+sa cay Jesucristo at humanap siya
+n~g guinhauang tubig na malahinin~ga.
+
+ Nang macaraan na yaong ilang araw
+siya nama,i, cusang nakitlan n~g buhay,
+ay napacasama,t, dusang ualang hangan
+doon sa Infierno ang kinahinatnan.
+
+ Capagca-umaga ay ipinag-utos
+ni Agriculáo n~ga sa man~ga verdugos,
+na ang man~ga Martir na man~ga soldados
+na sa paliguan hirap ay malubos.
+
+ Na pauang balian namang para-para
+niyong man~ga hita at tipunin sila,
+sa siga,i, sunuguing lahat capagdaca
+ito sa verdugos ang babala niya.
+
+ Ang pinacabata,i, canilang bayaan
+sa man~ga Mártires na pinarusahan,
+na si Meliton n~ga ang siyang pan~galan
+sapagca,t, canilang nakita pang buhay.
+
+ N~gunit siya nama,i, tantong mahina na
+at hindi na halos na macagalaw pa,
+at namamanhid ang boong catauan niya
+at papanaw na n~ga ang tan~gang hinin~ga.
+
+ Iná,i, nabalisa niyong si Meliton
+nang nasang manin~gas sa bagay na yaon,
+na malubos ang pagca-martir niyong
+Anác at masamang sunuguin sa apóy.
+
+ Pagdaca ang bata,i, caniyang pinasan
+at ang man~ga carro,i, caniyang sinundan,
+na sa Mártires n~ga na kinalalagyan
+na dadalhin doon sa pag-susunugan.
+
+ Ipamamanhic niyang talaga doon
+sa pinag-atasan niyong Gobernador,
+na ipakihapis nila si Meliton
+sa sigâ,t, masamang mamatay sa apóy.
+
+ At ualang guinaua siya habang daan
+cundi ang Anác niya ay pinan~garalan,
+bunso co,i, tiisin yaong cainitan
+n~g apóy, na parang pagtitiis naman.
+
+ Nang guináw sa paliguan n~gang malamig
+naghin~galo nama,t, buhay ay napatid,
+niyong si Melitong matimtimang bait
+sa lacad na yaon n~g man~ga Mártires.
+
+ Mabait na Iná ay tantong nalugod
+at yaong pag-asa ay puspos na puspos
+at ang Anác niya ay kinamtan na lubos
+yaong lualhating caloob n~g Dios.
+
+ At na sa Lan~git nang caluluang hirang
+caya agad-agad niyang ilinagay
+sa talagang carro ang sa batang bangcay
+n~g man~ga Santos Mártires na banal.
+
+ Sumunod ding gaya nang dati ang Iná
+hangang di napugnaw sa sigang nakita,
+ito n~ga ang dinarasal cung fiesta
+na man~ga Mártires de Sabaste bagá.
+
+ Bilang ica sampu niyong Marzong buan
+guinagaua yaong man~ga capurihan,
+nang apat na pung Mártires na tunay
+na man~ga, soldadong pauang man~ga banal.
+
+ ¡Oh man~ga capatid dinguin yaring luhog
+na pag-tibayin ang ating man~ga loob,
+nang sampalataya sa totoong Dios
+at sa Iglesiang taglay nang sumacop.
+
+ Huag nang isipin na man~gagbago pa
+sa Iglesiang dati nang sampalataya,
+at yamang ang dati atin nang kilala
+ang hindi mabilang na Santo at Santa.
+
+ Ang man~ga Mártires ay gayon din naman
+na nagsipaghain nang canilang buhay,
+sa catacot-tacot nilang camatayan
+sa cay Jesucristong Dios alang-alang.
+
+ Cahimanauari tayo ay matulad
+sa man~ga Mártires na Santos at Santas,
+at sa ating puso naua ay malimbag
+ang aral ni Cristo sa atin at atas.
+
+ Hanapin ang lalong mabuting paraan
+na icasusupil sa ating catauan,
+huag manatili sumagap n~g layaw
+n~g Mundong sa huli pauang cahirapan.
+
+ Caya tayo,i, dapat maglingcod tuina
+sa Dios na Poo,t, sa Virgen María,
+upang tayo nama,i, macasama nila
+doon sa payapa,t, ualang hangang saya.
+
+
+=CATAPUSAN=
+
+
+
+
+
+
+
+
+End of the Project Gutenberg EBook of Cahangahangang Buhay ni Santa
+Margarita de Cortona, by Cleto R. Ignacio
+
+*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK CAHANGAHANGANG BUHAY NI ***
+
+***** This file should be named 18536-8.txt or 18536-8.zip *****
+This and all associated files of various formats will be found in:
+ http://www.gutenberg.org/1/8/5/3/18536/
+
+Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online
+Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net.
+Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa
+pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.
+(http://www.gutenberg.ph)
+
+
+Updated editions will replace the previous one--the old editions
+will be renamed.
+
+Creating the works from public domain print editions means that no
+one owns a United States copyright in these works, so the Foundation
+(and you!) can copy and distribute it in the United States without
+permission and without paying copyright royalties. Special rules,
+set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to
+copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to
+protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark. Project
+Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you
+charge for the eBooks, unless you receive specific permission. If you
+do not charge anything for copies of this eBook, complying with the
+rules is very easy. You may use this eBook for nearly any purpose
+such as creation of derivative works, reports, performances and
+research. They may be modified and printed and given away--you may do
+practically ANYTHING with public domain eBooks. Redistribution is
+subject to the trademark license, especially commercial
+redistribution.
+
+
+
+*** START: FULL LICENSE ***
+
+THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE
+PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK
+
+To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free
+distribution of electronic works, by using or distributing this work
+(or any other work associated in any way with the phrase "Project
+Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project
+Gutenberg-tm License (available with this file or online at
+http://gutenberg.org/license).
+
+
+Section 1. General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm
+electronic works
+
+1.A. By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm
+electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to
+and accept all the terms of this license and intellectual property
+(trademark/copyright) agreement. If you do not agree to abide by all
+the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy
+all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession.
+If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project
+Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the
+terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or
+entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8.
+
+1.B. "Project Gutenberg" is a registered trademark. It may only be
+used on or associated in any way with an electronic work by people who
+agree to be bound by the terms of this agreement. There are a few
+things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works
+even without complying with the full terms of this agreement. See
+paragraph 1.C below. There are a lot of things you can do with Project
+Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement
+and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic
+works. See paragraph 1.E below.
+
+1.C. The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation"
+or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project
+Gutenberg-tm electronic works. Nearly all the individual works in the
+collection are in the public domain in the United States. If an
+individual work is in the public domain in the United States and you are
+located in the United States, we do not claim a right to prevent you from
+copying, distributing, performing, displaying or creating derivative
+works based on the work as long as all references to Project Gutenberg
+are removed. Of course, we hope that you will support the Project
+Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by
+freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of
+this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with
+the work. You can easily comply with the terms of this agreement by
+keeping this work in the same format with its attached full Project
+Gutenberg-tm License when you share it without charge with others.
+
+1.D. The copyright laws of the place where you are located also govern
+what you can do with this work. Copyright laws in most countries are in
+a constant state of change. If you are outside the United States, check
+the laws of your country in addition to the terms of this agreement
+before downloading, copying, displaying, performing, distributing or
+creating derivative works based on this work or any other Project
+Gutenberg-tm work. The Foundation makes no representations concerning
+the copyright status of any work in any country outside the United
+States.
+
+1.E. Unless you have removed all references to Project Gutenberg:
+
+1.E.1. The following sentence, with active links to, or other immediate
+access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently
+whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the
+phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project
+Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed,
+copied or distributed:
+
+This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
+almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or
+re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
+with this eBook or online at www.gutenberg.org
+
+1.E.2. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived
+from the public domain (does not contain a notice indicating that it is
+posted with permission of the copyright holder), the work can be copied
+and distributed to anyone in the United States without paying any fees
+or charges. If you are redistributing or providing access to a work
+with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the
+work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1
+through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the
+Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or
+1.E.9.
+
+1.E.3. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted
+with the permission of the copyright holder, your use and distribution
+must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional
+terms imposed by the copyright holder. Additional terms will be linked
+to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the
+permission of the copyright holder found at the beginning of this work.
+
+1.E.4. Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm
+License terms from this work, or any files containing a part of this
+work or any other work associated with Project Gutenberg-tm.
+
+1.E.5. Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this
+electronic work, or any part of this electronic work, without
+prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with
+active links or immediate access to the full terms of the Project
+Gutenberg-tm License.
+
+1.E.6. You may convert to and distribute this work in any binary,
+compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any
+word processing or hypertext form. However, if you provide access to or
+distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than
+"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version
+posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org),
+you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a
+copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon
+request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other
+form. Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm
+License as specified in paragraph 1.E.1.
+
+1.E.7. Do not charge a fee for access to, viewing, displaying,
+performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works
+unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9.
+
+1.E.8. You may charge a reasonable fee for copies of or providing
+access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided
+that
+
+- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from
+ the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method
+ you already use to calculate your applicable taxes. The fee is
+ owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he
+ has agreed to donate royalties under this paragraph to the
+ Project Gutenberg Literary Archive Foundation. Royalty payments
+ must be paid within 60 days following each date on which you
+ prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax
+ returns. Royalty payments should be clearly marked as such and
+ sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the
+ address specified in Section 4, "Information about donations to
+ the Project Gutenberg Literary Archive Foundation."
+
+- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies
+ you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he
+ does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm
+ License. You must require such a user to return or
+ destroy all copies of the works possessed in a physical medium
+ and discontinue all use of and all access to other copies of
+ Project Gutenberg-tm works.
+
+- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any
+ money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the
+ electronic work is discovered and reported to you within 90 days
+ of receipt of the work.
+
+- You comply with all other terms of this agreement for free
+ distribution of Project Gutenberg-tm works.
+
+1.E.9. If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm
+electronic work or group of works on different terms than are set
+forth in this agreement, you must obtain permission in writing from
+both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael
+Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark. Contact the
+Foundation as set forth in Section 3 below.
+
+1.F.
+
+1.F.1. Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable
+effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread
+public domain works in creating the Project Gutenberg-tm
+collection. Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic
+works, and the medium on which they may be stored, may contain
+"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or
+corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual
+property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a
+computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by
+your equipment.
+
+1.F.2. LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right
+of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project
+Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project
+Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project
+Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all
+liability to you for damages, costs and expenses, including legal
+fees. YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT
+LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE
+PROVIDED IN PARAGRAPH F3. YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE
+TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE
+LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR
+INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH
+DAMAGE.
+
+1.F.3. LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a
+defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can
+receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a
+written explanation to the person you received the work from. If you
+received the work on a physical medium, you must return the medium with
+your written explanation. The person or entity that provided you with
+the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a
+refund. If you received the work electronically, the person or entity
+providing it to you may choose to give you a second opportunity to
+receive the work electronically in lieu of a refund. If the second copy
+is also defective, you may demand a refund in writing without further
+opportunities to fix the problem.
+
+1.F.4. Except for the limited right of replacement or refund set forth
+in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS', WITH NO OTHER
+WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO
+WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE.
+
+1.F.5. Some states do not allow disclaimers of certain implied
+warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages.
+If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the
+law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be
+interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by
+the applicable state law. The invalidity or unenforceability of any
+provision of this agreement shall not void the remaining provisions.
+
+1.F.6. INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the
+trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone
+providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance
+with this agreement, and any volunteers associated with the production,
+promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works,
+harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees,
+that arise directly or indirectly from any of the following which you do
+or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm
+work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any
+Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause.
+
+
+Section 2. Information about the Mission of Project Gutenberg-tm
+
+Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of
+electronic works in formats readable by the widest variety of computers
+including obsolete, old, middle-aged and new computers. It exists
+because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from
+people in all walks of life.
+
+Volunteers and financial support to provide volunteers with the
+assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's
+goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will
+remain freely available for generations to come. In 2001, the Project
+Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure
+and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations.
+To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation
+and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4
+and the Foundation web page at http://www.pglaf.org.
+
+
+Section 3. Information about the Project Gutenberg Literary Archive
+Foundation
+
+The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit
+501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the
+state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal
+Revenue Service. The Foundation's EIN or federal tax identification
+number is 64-6221541. Its 501(c)(3) letter is posted at
+http://pglaf.org/fundraising. Contributions to the Project Gutenberg
+Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent
+permitted by U.S. federal laws and your state's laws.
+
+The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S.
+Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered
+throughout numerous locations. Its business office is located at
+809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email
+business@pglaf.org. Email contact links and up to date contact
+information can be found at the Foundation's web site and official
+page at http://pglaf.org
+
+For additional contact information:
+ Dr. Gregory B. Newby
+ Chief Executive and Director
+ gbnewby@pglaf.org
+
+Section 4. Information about Donations to the Project Gutenberg
+Literary Archive Foundation
+
+Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide
+spread public support and donations to carry out its mission of
+increasing the number of public domain and licensed works that can be
+freely distributed in machine readable form accessible by the widest
+array of equipment including outdated equipment. Many small donations
+($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt
+status with the IRS.
+
+The Foundation is committed to complying with the laws regulating
+charities and charitable donations in all 50 states of the United
+States. Compliance requirements are not uniform and it takes a
+considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up
+with these requirements. We do not solicit donations in locations
+where we have not received written confirmation of compliance. To
+SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any
+particular state visit http://pglaf.org
+
+While we cannot and do not solicit contributions from states where we
+have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition
+against accepting unsolicited donations from donors in such states who
+approach us with offers to donate.
+
+International donations are gratefully accepted, but we cannot make
+any statements concerning tax treatment of donations received from
+outside the United States. U.S. laws alone swamp our small staff.
+
+Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation
+methods and addresses. Donations are accepted in a number of other
+ways including checks, online payments and credit card
+donations. To donate, please visit: http://pglaf.org/donate
+
+
+Section 5. General Information About Project Gutenberg-tm electronic
+works.
+
+Professor Michael S. Hart is the originator of the Project Gutenberg-tm
+concept of a library of electronic works that could be freely shared
+with anyone. For thirty years, he produced and distributed Project
+Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support.
+
+Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed
+editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S.
+unless a copyright notice is included. Thus, we do not necessarily
+keep eBooks in compliance with any particular paper edition.
+
+Most people start at our Web site which has the main PG search facility:
+
+ http://www.gutenberg.org
+
+This Web site includes information about Project Gutenberg-tm,
+including how to make donations to the Project Gutenberg Literary
+Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to
+subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.
+
+*** END: FULL LICENSE ***
+